PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Friends star Matthew Perry dies at 54

Matthew Perry was found dead in his Los Angeles home.
by Jojo Gabinete
Published Oct 29, 2023
Matthew Perry dies at 54
Friends star Matthew Perry, 54, was found dead in his Los Angeles home on October 28, 2023 (US time).
PHOTO/S: @mattyperry4 Instagram / HBO

Patuloy ang imbestigasyon ng Los Angeles Police tungkol sa pagpanaw ng American-Canadian actor na si Matthew Perry na natagpuan na walang buhay noong Sabado, Oktubre 28, 2023 sa jacuzzi ng kanyang tahanan sa Los Angeles, California.

Ayon sa emergency responders, nakatanggap sila ng tawag tungkol sa isang tao na biktima ng cardiac arrest.

Pero pagkalunod ang ikinamatay ni Perry ang inisyal na resulta ng imbestigasyon ng LA Police.

Tiniyak ng mga imbestigador na walang foul play na sangkot at wala rin silang nakita na drugs sa pinangyarihan ng insidente.

Ipinagluluksa ng mga tagahanga ni Perry sa buong mundo ang kanyang pagkawala sa edad na 54.

Nakilala nang husto si Perry bilang Chandler Bing, ang karakter na ginampanan niya sa hit American television sitcom na Friends na napanood sa NBC mula September 22, 1994 hanggang May 6, 2004.

Ang Fools Rush In, The Whole Nine Yards, at 17 Again ang ilan sa mga pelikula na pinagbidahan noon ni Perry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maihahalintulad ang pagkamatay ni Perry sa nangyari kay Whitney Houston na nalunod sa bathtub ng Beverly Hilton Hotel noong February 11, 2012.

Drug-related accidental drowning ang resulta ng imbestigasyon ng Los Angeles Police sa kalunus-lunos na katapusan ng sikat na American singer.

MATTHEW PERRY ON DEALING WITH PAST ISSUES

Hindi inilihim ni Perry na na-comatose ito at matagal na naratay sa ospital dahil sa drug abuse at noong 49-years-old siya, pumutok ang kanyang colon na resulta ng opioid overdose.

Itinuturing ni Perry na isang himala ang paggaling niya noon dahil sinabi ng mga doktor sa kanyang pamilya na dalawang porsyento na lamang ang tsansa na mabubuhay siya.

Sumailalim si Perry sa labing-apat na operasyon sa kanyang tiyan at gumamit siya ng colostomy bag sa loob ng siyam na buwan.

Sa Friends, Lovers and the Big Terrible Thing, ang libro na isinulat ni Perry at lumabas noong November 1, 2022, nagbahagi siya ng kuwento tungkol sa pagkompronta sa kanya ni Jennifer Aniston dahil sa bisyo niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Jennifer ang co-star ni Perry sa Friends.

Nang kausapin ng aktres si Perry, napagtanto nito na hindi sikreto ang kanyang mga inililihim na masasamang bisyo.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Friends star Matthew Perry, 54, was found dead in his Los Angeles home on October 28, 2023 (US time).
PHOTO/S: @mattyperry4 Instagram / HBO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results