Isang pagkakahalintulad ng kulturang Pilipino at Italyano ay ang paninirahan ng buong pamilya sa isang bahay kahit pa malalaki na ang mga anak.
Sa U.S. kasi, pagtuntong ng anak sa edad 18 ay puwede na siyang mag-solo living.
Kakaiba ang karanasan ng isang ginang sa Pavia, Italy. Umabot kasi sa puntong kinasuhan niya ang dalawa niyang anak na lalaki, may edad 40 at 42, dahil sa overstaying sa bahay niya.
Ang Italy ay may termino sa mga may edad ng anak na nakikisuob pa sa kanilang mga magulang. Ang tawag sa kanila ay bamboccioni o “big babies.”
Read: Gen Z diagnosed with autism graduates from college
Napilitan ang ginang na idulog sa korte ang kanyang dalawang anak dahil ayaw nilang umalis sa kanyang bahay, bgamat may mga trabaho na sila.
Naubos ang pasensiya ng ginang dahil bukod sa pagtangging tumulong ang mga bamboccioni sa sa mga gastusin sa bahay, ayaw rin nilang tumulong sa gawaing bahay, ulat ng Italian newspaper na La Provincia Pavese.
Pagdating sa korte, pinanigan ng judge na si Simona Caterbi ang ginang, kaya nagbaba ito ng eviction order sa dalawang anak ng ginang.
Read: Heroic Pinay caregiver in Israel recounts terror facing up to Hamas
Sa ruling ng judge, sinabi nitong bagamat ang dalawang anak ay maaaring tumira sa bahay ng ina dahil sa “obligation of the parent to provide maintenance,” hindi na ito “justifiable” dahil nasa 40s na ang mga anak.
Binigyan ang dalawang lalaki ng hanggang December 18, 2023 na palugit para lisanin ang bahay ng ina.
Ayon sa 2022 data, 70 porsiyento ng Italians na edad 18-34 ay namamahay pa rin kasama ang kanilang mga magulang; 72.6% ay mga kalalakihan habang 66% ay kababaihan.
Bagamat kultura na talaga sa Italy ang magkaroon ng multiple generations sa iisang bahay, mas dumami ang bilang nito sa mga nakalipas na ilang taon dahil sa economic conditions ng bansa.
Ang eviction order sa Italy ay madalang, pero may iilang kaso na nangyayari ito.
Isa na rito ang kaso noong 2020 kung saan ibinasura ng Supreme Court ang apela ng 35 anyos na part-time musician na humihingi ng financial supoort mula sa mga magulang.
Hindi raw kasi sapat ang kinikita niyang 20,000 euro (PHP1.2 million) para mabuhay.
Ibinasura ng korte ang kanyang apela at sinabing “young adults do not have an automatic right to parental financial support.”
