Inaresto ang isang babaeng tinangkang pigilan ang papalipad na eroplano sa paliparan dahil naiwan siya nito.
Ganito ang senaryo: Papalipad na ang eroplanong nasa tarmac nang biglang may sumulpot na babaeng tumatakbo sa malawak na paliparan at kinakawayan ang piloto para pasakayin siya.
Agad namang pinatay ng piloto ang makina ng eroplano nang makita ang babae.
Ang mala-pelikulang eksenang ito na ngyari sa Canberra Airport sa Australia noong November 1, 2023, Miyerkules, ay na-capture sa video na nag-viral.
Diumano, nalusutan ng babae ang airpot security kaya nakatakbo ito papuntang tarmac, ulat ng 9News, isang media outlet sa Australia.
Makikita ang babaeng kinakawayan ang piloto sa ilalim ng commercial plane ng QantasLink na papuntang Adelaide.
Inaresto ang babae ng Australian Federal Police dakong 7:30 ng gabi.
Read: Flight got delayed, then got cancelled? Here’s what you need to know

Hindi naman makapaniwala ang mga nakasaksi sa pangyayari dahil walang pumigil sa kanyang pagharang sa eroplano.
Ito ang inisip ng nakakuha ng video na si Dennis Bilic.
"People were a bit flat-footed, they didn't seem to know what to do, that was the weird part," ani Dennis.
Nagdetalye sa Facebook ang isa pang saksi na si Simon Hales sa inasal ng babae.
"She's trying to yell at the pilot, she's trying to get his attention and jump up, it was bizarre.
"[She] pushed past the staff at the door, ran down onto the tarmac, and ran up to the plane.
"Luckily the pilot was warned or spotted her and killed the engine."
[twitter:
An woman who apparently missed her flight tried to catch it by running after the QantasLink Embraer E190AR plane (VH-XVO) on the tarmac.
— FL360aero (@fl360aero) November 2, 2023
The strange incident was captured at Canberra Airport (CBR) on Nov 01, 2023. On chase, woman started waving at the pilot.
????Dennis Bilic pic.twitter.com/rKw7p1xsKN
]
Naantala ng 10 minuto ang flights bago bumalik sa normal ang lahat.
Kinasuhan ang babae sa pagpasok niya sa airport security zone nang walang permiso, damaging property, at possession ng cannabis, ayon sa isang spokesperson.
Hindi rin pinayagan ang babae na makapagpiyansa.
Naglunsad din ng pagsisiyasat ang mga awtoridad kaugnay ng pangyayari.
