PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Surgeons remove wrong organ of patient undergoing appendectomy

“I’m not the same person I was when this started."
by Bernie V. Franco
Published Nov 11, 2023
Illustration of surgery
A man is rushed to the emergency room due to appendicitis and undergoes surgery. However, a medical mishap takes place during the operation.
PHOTO/S: Dall-E via Canva

Paano kung pumunta ka ng ospital para magpa-opera dahil sa matinding sakit, pero mali ang organ na tinanggal ng mga doktor?

Ito ang naging kaso ng pasyenteng si George Piano sa Washington, USA, na dinala sa emergency room dahil sa appendicitis.

Kinailangan niyang sumailalim sa appendectomy o pagtanggal sa kanyang infected appendix.

Pero hindi nawala ang sakit na nararamdaman ng pasyente pagkatapos ng operasyon.

Lalo pa itong lumubha.

Nang magpatingin muli, nadiskubre na maling organ pala ang tinanggal sa kanya.

Sa ulat ng USA Today nitong November 9, 2023, idinemanda ni George ang University of Washington (UW) Medical Center at ang dalawang surgeons na nag-opera sa kanya na sina Nidhi Udyavar at Paul Herman.

Read: Driver details unexpected meeting with Alden Richards after returning lost cellphone

THE MEDICAL MISHAP

Sa 13-page suit, inilahad ni George na noong isinugod siya sa emergency unit ng UW Medical Center noong December 6, 2022, kinailangan niyang sumailalim sa appendectomy para tanggalin ang kanyang appendix.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa kalagitnaan ng surgery ay hindi raw na-locate ang appendix ni George ng mga surgeons.

At sa di maipaliwang na pangyayari, bahagi ng colon ng pasyente ang natanggal.

George and Elizabeth Piano

Si George Piano at ang kanyang asawang si Elizabeth

Mas lumala ang sakit naramdaman ni George pagkatapos ng operasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Following surgery, Mr. Piano began to experience abdominal pain which was worse than before his surgery," sabi ng abogado ng pasyente na sina Attorneys Ed Moore and Van Shaw.

"The bowel contents began to spill into his abdominal cavity causing him to become much sicker."

Isinailalim si George sa CT scan at doon nadiskubreng hindi natanggal ang kanyang appendix.

Sumailalim uli siya sa operasyon, at doon pa lamang tinanggal ang kanyang appendix.

“It’s been a hell of a year,” sabi ni George sa USA Today. “I’m not the same person I was when this started."

“When I woke up and came out of the drugs, I was in serious pain. Much worse than I had been in when I went to the hospital.”

Read: Woman who misses flight runs onto tarmac to stop plane about to take off

Sabi sa ibang ulat, nanganib ang buhay ni George dahil sa pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa loob ng halos isang taon, umabot sa 53 days ang ginugol na panahon ni George sa ospital, nabawasan ng 40 lbs, nagkaroon ng anxiety at short-term memory loss dulot ng medical mishap.

Hindi na sana magsasampa ng demanda si George at ang kanyang misis na si Elizabeth, subalit itinuloy nila ito “after getting no response from the hospital.”

Ang habol nila ay monetary damages.

At malaki ang pasasalamat ni George na buhay siya, pero ayaw niyang pagdaanan ng ibang pasyente ang pinagdaanan niya.

“Someone needed to put a stop to this and take responsibility and say this happened − we need to take steps to make sure it doesn’t happen again."

Tumanggi namang mabigay ng komento ang panig ng University of Washington Medicine kaugnay ng kaso.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A man is rushed to the emergency room due to appendicitis and undergoes surgery. However, a medical mishap takes place during the operation.
PHOTO/S: Dall-E via Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results