Wala pang isang araw ang post pero higit tatlong million views na ang nakuha nito sa social media app na X (formerly known as Twitter).
Marami kasi ang tila ay naawa sa series of tweets ng lalaking pinagtaksilan umano ng kanyang asawa.
Ang tweets ni “Andy” (@sw33twater) ay mensahe ng pagpapalaya sa asawang minahal niya, pero naghanap ng iba.
Bagamat mahal pa rin niya ang asawa, willing si Andy na magparaya at hangad pa ring makatagpo ang asawa ng lalaking tunay na magpapasaya sa kanya.
Read: Dr. Connie Mariano: Fil-Am White House doctor to Miss Universe judge
THE HUSBAND WHO WAS CHEATED ON
Nitong November 15, 2023, ipinost ni Andy ang screenshot mula sa kanyang phone.
Kita sa thumbnails na mga wedding photos nila ito ng kanyang estranged wife.
Masaya ang noon ay bagong kasal, kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Mababasa sa bandang taas ng screenshot ang mga katagang, “Recently deleted.”
At sa baba ng screenshot mababasa ang prompt na: “This will permanently delete the selected items. This action can’t be undone.”
Sa caption, inilarawan ni Andy ang konteksto ng post.
Simula niya (published as is), “It wasnt easy but i finally found the courage to do it,” pagtukoy sa pagbura sa wedding photos.
“its been a couple of months and im still processing everything and trying to understand why you did what you did.
“and lets face it, i dont think ill ever get that explanation from you. but you know what? it doesnt matter”
Meron nang 3.2 million views ang post na ito and still counting.
Read: 79-year-old Pinay finishes visiting 193 countries around the world after 56 years

Sinundan pa niya ito ng tweet tungkol sa pagmamahal sa asawa kahit iniwan siya.
“All i want you to know is that while you gave up on me, i never stopped loving you even on days when you weren’t very deserving of my love. i have always put you before anyone and everything else without hesitation.”
Sabi pa niya, “moving forward, i genuinely hope you’ll find someone that will love and care for you in ways that i couldn’t”
Sa sobrang pagmamahal daw niya sa asawa, handa niya itong palayain.
“I loved you enough to let you go and if it couldn’t be me then at least i hope it will be someone who will surround you with as much joy and love as i felt for you… every single day.”
Pero pasubali niya, hindi niya buburahin ang larawan kung saan kasama ang kanilang one-year-old baby girl.
Tweet ni Andy, “i am however keeping some of the ones with our daughter in it so i can one day show her that at, one point, we actually got to call ourselves a family.”
Read: Two look-alike best friends turn out to be biological sisters

Pinasalamatan naman ni Andy ang lahat ng nagpaabot ng pakikisimpatiya sa kanya.
Isang kakilala ang nagtanong kung ano ang nangyari.
“got cheated on, broski,” sagot ni Andy.

HUSBANDS WHO WERE IN THE SAME SITUATION
May ilang lalaki ang naka-relate sa sinapit ni Andy dahil dumaan din sila sa parehong sitwasyon.
Payo ng isang lalaking dumaan sa divorce, “Time heals all wounds.”
Advice naman ng isa pang lalaki, mag-gym ito para hindi laging nag-iisip.
Lubos na pasasalamat ang reply ni Andy sa kanila.
Nag-agree rin siya sa mungkahi tungkol sa pag-dyi-gym.


Bumuhos din ang encouragement ng ibang netizens na sinabihan si Andy na magiging maayos din ang lahat pagkalipas ng panahon.

