Guilty ang hatol sa babaeng nilason ang kanyang kaibigan gamit ang eye drops, at pinagmukhang suicide ang sanhi ng pagkamatay nito.
Ang babaeng suspek, si Jessy Kurczewski, 39, taga-Wisconsin, U.S.A., ay convicted sa kasong first-degree intentional homicide at two counts of felony theft.
Hinuthutan din kasi ni Kurczewski ang kaibigan niya ng $290,000 o tinatayang PHP16.2 million.
Ibinaba ng Waukesha County jury ang hatol kay Kurczewski nitong Martes, November 14, 2023.
Ang biktima ay si Lynn Hernan, in her 60s, at kaibigan ng suspek.
Noong October 2018, tumawag ang suspek sa 911 para i-report na “unconscious and not breathing” ang kanyang kaibigan, ulat ng People.com.
Pagdating ng mga pulis sa bahay ng biktima, nakita nila itong walang malay at may durog na gamot sa dibdib. Mayroon ding nakita na isang plato.
Ang unang theory ay overdose ang nangyari.
Subalit lumabas sa pagsusuri ng medical examiner na namatay ang biktima dahil sa Tetrahydrozoline, na main ingredient ng eye drops.
Ang sangkap na ito ay nakamamatay kapag uminom ng ample amount.
Read: What it is like being a sugar baby in the Philippines?

Ang salarin na si Jessy Kurczewski
SUSPECT constantly CHANGEd HER STORY
Inaresto si Kurczewski noong 2019.
Paiba-iba ang kuwento ng suspek sa mga ginawang interview sa kanya ng mga pulis, ayon sa complaint.
Sinabi pa ng suspek sa isang pahayag na ang biktima “was ‘known’ for eye drops and that she purchased them in great volume, and there would be bottles and boxes from eye drops all over the residence.”
Sa isa pang interview ng mga pulis, sinabi ng suspek na nakita raw niya ang biktima na gumawa ng cocktail na gamit ang Visine at vodka isang araw bago ito mamatay.
Sa isa pang pagkakataon, binago uli ng suspek ang kanyang pahayag at sinabing inabutan niya ng water bottle ang biktima na sinalinan ng anim na bottles ng eyedrops. Pero nagawa raw ito ng suspek dahil sa pagpipilit ng biktima.
Sa pag-iimbestiga ng mga pulis, nasilip nila ang finances ni Kurczewski at nadiskubreng may $100,000 (PHP5.6 million) transfer sa account ng suspect mula sa biktima.
At hindi lang ito ang nag-iisang transfer mula sa account ng biktima.
Read: Husband posts farewell to cheating wife: "While you gave up on me, i never stopped loving you"
Naglabas ng pahayag ang district attorney matapos ibaba ang hatol sa suspek.
"The defendant betrayed Lynn [victim] out of greed," sabi ni Waukesha County Deputy District Attorney Abbey Nickolie.
"This case highlighted the financial vulnerability of the victim and what a person would do to get what they want."
Babasahan ng parusa o sentensiya si Kurczewski sa December 7, 2023. Ang hatol na homicide ay may parusang life sentence.
