Nilimas ng apat na kalalakihan ang luxury bags sa isang luxury shop ng pre-loved items.
Nagtagal lamang ng ilang segundo ang pagnanakaw.
Ang tinarget na kunin ng mga magnanakaw: puro Louis Vuitton bags,
Dinedma nila ang iba pang bags na naka-display sa JJ’s Closet sa Old Town Spring, Texas, USA, noong November 12, 2023.
Kita sa CCTV footage na naka-hoodie mask ang apat na kawatan. Matapos basagin ang display cases, mabilis na hinablot ang brown bags, isang distinct feature ng Louis Vuitton.
Pagkatapos, umakyat sila sa mga binasag na glass cases para abutin ang iba pang Louis Vuitton bags na naka-display sa shelves.
Naging mabilis ang pagkilos ng mga magnanakaw at alam nila kung anong bags ang mga dadamputin.
Read: Woman found guilty of poisoning, murdering friend with eye drops

Nanlumo ang may-ari dahil limang taon daw niyang pinagpaguran ang laman ng kanyang shop, batay sa Facebook page ng JJ’s Closet.
Ipinost din ng may-ari ang mga ninakaw na Louis Vuitton bags base sa descriptions ng mga ito sa website ng business establishment.
Tinatayang 17 Louis Vuitton bags ang natangay na aabot lahat sa $27,805 o halos PHP1.6 million.
Umaasa naman ang owner na may mga makakatulong na kilalanin ang mga salarin.
Hinihiling din ng business owner na ipaalam sa kanila kung may ibinenta sa kanilang brand ng bag.
Post ng owner, “We have detailed pictures of the stolen bags, especially their DATE CODES.
“If you or someone you know is being sold a bag, please contact us. We can trace every item in our inventory. We will know exactly if it’s our bag or not.
“We will find a way to publish each stolen bag to make it hard for the robbers to sell them elsewhere.”
Read: Husband posts farewell to cheating wife: "While you gave up on me, i never stopped loving you"
BACK TO BUSINESS
Emosyonal ang may-ari sa kanyang post matapos ang pangyayari.
Subalit binanggit niyang may mga tao sa kanilang lugar na nagpaabot ng tulong, tulad na lamang ng isang customer na tumawag at um-order ng item.
“She said she heard about the sad news and wanted to show her support to our small business. I was so touched by her kindness we both ended up crying on the phone.”
Isang kapwa niya business owner ang nag-donate ng cabinet case matapos makita sa CCTV footage na binasag ng mga magnanakaw ang mga shelves.
Post ng may-ari sa donasyon ng fellow business owner, “They know those things take time to replace. She and her husband gave us this cute one that is perfect for this space and for the 'leftover wallets,' lol.
“Many have reached out to let us know that they will be on the lookout for our stolen bags on eBay, Facebook marketplace, etc.”
Dahil daw sa mga nagpakita ng tulong, nabuhayan ang owner na ituloy pa rin ang kanyang negosyo.
“The outpouring of love and support from the people of Houston, the state of Texas and beyond is incredible!
“While the robbery left me broken-hearted at one point, it did not shatter my spirit.”
Pagtatapos niya, “Welcome back to Jj's Closet!”