Idinemanda ng isang lalaking lottery winner ang nanay ng kanyang anak.
Ang reklamo: Ipinagsabi kasi ng babae sa pamilya ng lalaki ang pagkapanalo nito sa lottery.
Ang siste, pinapirma pala ng lottery winner ang babae ng non-disclosure agreement (NDA), at kailangang magbayad ang babae kapag sinira ang napagkasunduan.
Ang lottery winner na pinangalanang “John Doe” sa court documents ay nanalo ng nakakalulang $1.35 billion (PHP75.6 billion) sa Mega Millions lottery.
Read: Woman hears someone say "hello"; shocked when she discovers where the voice is coming from
Ang lottery ticket ay binili niya sa isang gasoline station sa Maine State sa U.S.A. noong January 2023.
Lumikha ng ingay noon ang jackpot prize na tinaguriang pang-apat na pinakamalaking lottery win sa U.S. history.
Pero minus the taxes, ang lump-sum prize ng lalaki ay umabot na lamang sa $500 million (PHP28 billion), ulat ng Business Insider.
Sa legal documents na isinumite noong November 14, 2023, lumalabas na inilihim ni John ang kanyang pagkapanalo kahit sa pamilya.
Noong February 2023, pinapirma niya ng NDA si “Sara Smith,” ang ina ng kanyang anak.
Ulat ng The Daily Beast, nakasaad sa NDA na mananahimik si Sara hanggang June 1, 2032, o ang 18th birthday ng kanilang anak na babae.
Nakasaad din sa NDA na kapag binali ni Sara ang kasunduan, kailangan niyang sabihin iyon kay John within 24 hours.
Pero ayon sa legal documents, ibinunyag ni Sara ang sikreto sa ama at stepmother ni John nang makausap ang mga ito sa telepono.
Kalaunan, nalaman din ito ng iba pang tao, kabilang na ang sister ni John.
Read: Passenger baffled by “imported dog food” on menu of Chinese airline
Hinihingi ngayon ng abogado ni John na sabihin ni Sara kung sinu-sino pa ang nakaalam sa pagiging jackpot winner ng kanyang kliyente.
Nakasaad kasi sa kontrata na sa bawat taong sinabihan ni Sara, kailangan niyang magbayad ng penalty na $100,000 o PHP5.6 million.
Nakasaad pa sa legal documents ni John, "As a result of Defendant's unauthorized disclosures, John Doe has suffered irreparable injury, and there is immediate and imminent danger that John Doe will continue to suffer irreparable injury for which there is no adequate remedy at law."
Ayon naman sa ulat ng LotteryPost.com, sa NDA na pinapirma ni John kay Sara, kelangang isikreto ang kanyang pagkapanalo for security reason, which is "avoid irreparable harm of allowing the media or the public in general to discover" ang kanyang identity, location, assets, at ang kanilang anak.
Read: Winner ng PHP36M sa Grand Lotto 6/55, sadyang masuwerte sa game of chance
Bilang kabayaran naman sa pananahimik ni Sara, magbibigay si John ng "support and ongoing security resources."
Nakasaad sa documents na kapag nilabag ang NDA, puwedeng gumawa si John ng hakbang na “legal and equitable relief ... without the requirement or necessity of proving actual damages."
Kabilang sa “relief” na ito ay monetary damages, attorney fees and expenses accrued by the man after a breach,” ulat ng Fox Business.
