PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

30-yr-old Pari Weds 18-yr-old Student

Niligawan ang teenager noong 17 anyos pa lang ito
by KC Cordero
Published Nov 28, 2023
Photo of the priest
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, 17 anyos pa lang ang teenager nang ligawan siya ng pari, na diumano'y inireklamo na dati ng mga teenage girls sa isang Catholic school dahil sa sexual misconduct.

Mainit na paksa ngayon sa international media ang Roman Catholic priest na si Alexander Crow, 30, matapos niyang pakasalan nitong November 6, 2023, ang isang 18-year-old na dating estudyante ng McGill-Toolen Catholic High School.

Ang marriage license ng dalawa ay nakasumite sa Mobile county, Alabama, ayon sa mga imbestigador.

Read: Paanong na-trauma sa lamok ang teener matapos sampalin ang toxic boyfriend

Si Crow ay isang expert sa theological study of demons and exorcism, at nakatalaga sa Catholic archdiocese of Mobile, Alabama.

Naordenahan o naging pari siya noong 2021.

Nitong July 2023, natanggal siya sa parokya dahil bumiyahe ito papuntang Italy kasama ang teenager na estudyante, at sinabing hindi na siya babalik sa U.S.

Photo of the priest

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Cob Mojares: First ECE board topnotcher from Cavite State University

Napag-alaman lang na bumalik na siya ngayong November nang matuklasan ang rehistro ng kanyang marriage license.

Sinabihan ng archdiocese si Crow na inabandona niya ang kanyang “assignment” at ang kanyang naging aksiyon ay “totally unbecoming of a priest.”

Bagaman at hindi na nag-elaborate ang archdiocese, ang mga pari ay may “vow of celibacy” o hindi maaaring mag-asawa at makipagtalik.

Sa kabila ng maraming eskandalo sa Simbahang Katoliko, ang mga Catholic officials ay nagpapatupad ng guidelines para magkaroon ng boundaries sa pagitan ng mga pari at vulnerable adults.

Read: Babaeng doble ang uterus, nagbuntis ng kambal na magkahiwalay ng puwesto

Napag-alamang si Crow ay nag-volunteer noon na magturo sa McGill-Toolen.

Wala ring alam ang parents ng teenager na sumama ito sa pari sa Italy.

May mga nauna na ring alegasyon laban kay Crow na nakasampa sa Mobile county sheriff’s office.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diumano'y sangkot ang pari sa reklamong sexual misconduct dahil at pang-aakit sa ilang teenage girls sa McGill-Toolen.

Read: Maskaradong suspek sa pagnanakaw, nakilala dahil sa colorful underwear

Gayunpaman, noong November 7, naglabas ang local district attorney sa media ng pahayag na hindi na itutuloy ng prosecutors ang reklamo laban kay Crow.

Ayon sa inilabas na pahayag, hindi sumagot ang teenager sa alinmang katanungan ng mga prosecutors tungkol sa biyahe nito sa Italy.

Ang bahagi ng inilabas na pahayag: “She appeared in seemingly good health and said that she is safe.

“Without being able to speak with the young lady about these events, we do not have sufficient admissible evidence to charge a crime at this point.

“Therefore, this investigation is currently closed.”

Read: Lalaki, inakalang may colon cancer dahil sa self-diagnosis; nag-suicide attempt gamit ang grinder

Natuklasan naman ng mga imbestigador ang sulat na ipinadala ni Crow sa teenager noong ang huli ay 17 anyos pa lang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

June 2023 naging 18 ang teener.

Valentine’s Day ang petsa sa sulat, kung saan nagpahayag ng labis na pagmamahal ang pari sa teenager.

Binanggit din dito ang kasal nila.

Photo of the priest

Read: Greem Cafe, sikat at dinarayo dahil sa comic book-inspired interiors

Pero ang marriage license na magkasamang isinumite ng dalawa sa Mobile county ay naitala nito lang November 6.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa dokumento ay prominenteng nakalagay na ang minimum age of marriage sa Alabama ay 16 years old.

Nilagdaan din nina Crow at ng teenager ang dokumento na nagsasaad na: “Each of us is entering into the marriage voluntarily and of our own free will and not under duress or undue influence.”

Read: Artist creates diorama of 1939 family home: “Para mabalikan ko ang masasayang alaala.”

Sa ngayon, hindi makontak ng media si Crow, ang teenager, at ang kanilang mga pamilya.

Sinabi naman ni Mobile Archbishop Fr. Thomas Rodi na hihilingin niya ang tuluyang pagkatanggal ni Crow sa pagiging pari.

Isa itong mabigat na hakbang lalo pa at kadalasan sa mga pari ay nakakalusot sa mga reklamo o kaso ng sexual abuse.

Ang proseso ng pagtatanggal kay Crow ay kontrolado ng mga batas ng simbahan, at sisimulan sa mga unang buwan ng 2024.

Hindi man siya mahagilap sa ngayon, nasabihan na siya na bawal nang magpakilala bilang pari, magdaos ng misa, at magsuot ng abito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Puno ng saging sa gitna ng daan, pinaalis after 2 years, kung kelan nagsimulang namunga

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, 17 anyos pa lang ang teenager nang ligawan siya ng pari, na diumano'y inireklamo na dati ng mga teenage girls sa isang Catholic school dahil sa sexual misconduct.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results