Pera na naging bato pa.
Naaalala niyo ba ang ulat ukol sa painting na nabili ng isang babae mula sa isang second-hand shop for $4?
Pagkatapos, napag-alamang original painting pala ito ng American illustrator na si N.C. Wyeth (1882-1945).
Read: Painting, binili ng PHP200 sa second-hand shop, original pala na abot PHP14M ang presyo
Ang nakabili nito sa second-hand shop ay si Tracy Donahue ng New Hampshire sa New England sa U.S. noong 2017, pero nitong 2023 lamang na-authenticate ito.
September 2023 ay isinubasta ito ng Bonhams Skinner, kilalang auction house sa U.S., sa halagang $191,000 o higit PHP10 million.
Naka-jackpot si Tracy, 56, at ang asawang si Tom, 58.
Pero sa kasamaang palad, hindi nagbayad ang bidder. Ang inaasahang malaking biyaya ay naging “biggest disappointment ever,” ani Tracy sa ulat ng The New Yor Times, November 28, 2023.
Read: What 585, 750, and other number markings mean in gold jewelry

Ang painting ay illustration na ginamit sa 1939 edition ng Ramona, ang 1884 novel na isinulat ni Helen Hunt Jackson.
Nabawi na uli ni Tracy mula sa auction house ang painting na ngayon ay nakasilid sa isang cardboard box.
Buti na lang daw at hindi naisipan nina Tracy na maglustay ng pera at mag-celebrate noong malamang may bidder na bibili ng painting kapalit ang malaking halaga.
Read: Australian vlogger's video shows how he was scammed by tricycle driver in Manila
THE BUYER NEVER PAID
Sa kabila nito, umasa raw si Tracy.
“We’re crushed. I’ve never gotten that close to, you know, hoping for something,” sabi ng ginang.
Nagkakaroon daw ng pre-screening ang auction houses sa potential bidders, pero hindi lahat ay naisasailalim sa pre-screening.
At bagamat madalang na umuurong ang bidder, nangyayari raw talaga ito.
Ayon kay Tracy, inabisuhan sila ng auction house na may 35 days ang buyer na magbayad.
Pero makalipas ang isang buwan ay hindi na sila nakakuha ng update mula sa Bonhams, na hindi na sila inaasikaso o sumasagot sa mga tawag.
Kalaunan sinabihan silang tumanggi ang bidder na magbayad at walang magawa ang auction house dahil nakatira ito sa Australia.
Nakatanggap naman ng kontrata si Tracy mula sa auction house para sa private sale ng painting.
Nakasaad ditong makakatanggap si Tracy ng $132,750 (PHP7.5 million) kapag nakakuha ng buyer.
Pero hindi pumayag si Tracy kaya binawi na lamang niya ang painting.
Sabi ng isang former auction house executive na si Michael Plummer, maaaring ibenta ni Tracy ang painting via private sale o sumali uli sa auction.
“They shouldn’t give up,” sabi ni Michael.
Ang sabi naman ni Tracy at ng mister na si Tom, kung hindi maibenta ang painting ay gagawin na lang itong family heirloom at ipapamana sa mga anak.
Pero aminado si Tracy na naapektuhan siya sa pangyayari. Dahil balik siya ngayon sa square one.
Kaya totoo ang kasabihang, “Huwag magbilang ng sisiw hangga’t hindi napipisa ang mga itlog.”
