Mula sa pagiging modelo, nagdesisyon ang tinaguriang “Most Handsome Man in Italy” na magpari.
Siya si Edoardo Santini, 21, mula sa Castelfiorentino sa Tuscany, Italy.
Taong 2019, sa edad na 17, sumali at nanalo siya sa male pageant na Il Bello D’Italia (Most Handsome Man in Italy).
Nitong nakaraang Sabado, December 3, 2023, inanunsiyo ni Edoardo ang desisyon niyang magpari via Instagram.
Burado na ang post na nag-viral, pero ayon sa report ng British daily tabloid na Daily Mail, bahagi ng caption niya ay: “I’ve decided to give up modeling work, acting and dance, but I won’t abandon all my passions, I’ll just live them differently, offering them up to God."
Read: Original painting, nabili for PHP200 at nakakuha ng PHP10M bid sa auction, napurnada ang benta

Lahad pa niya, bata pa lamang siya ay may pangarap na siyang magpari.
May mga tao siyang nakilala na nag-udyok para tanungin niya ang sarili kung ito ang landas na dapat niyang tahakin.
Aniya pa, namuhay siyang kasama ang dalawang pari noong nakaraang taon, at iyon ang “most beautiful experience” sa kanyang buhay.
Aminado siyang nakaramdam siya ng takot dahil isusuko niya ang modeling career, pero sa huli, nagdesisyon siyang pasukin ang pagpapari.
Noong November 23, tungkol din sa pagpapari ang birthday post ni Edoardo.
Tampok dito ang short video clip kung saan hinihipan niya ang birthday candles.
Ang kanyang caption, “My question about the priesthood.
“I've felt I had to investigate it for a long time, last year I took a first step, but I had told few the real reason for my move - I needed time that was purely for me.
“This year, at the dawn of my 21st birthday, I feel ready to share this research.”
Read: Ginang, pinagbantaang idedemanda ng mga anak kapag ibinenta ang mamanahin nilang bahay

