A gardener is about to become the multi-million-dollar heir of luxury fashion brand Hermès.
Inaayos na ang mga papeles para mapamanahan ang isang hardinero ng nakalululang yaman ni Nicolas Puech, ang fifth-generation heir ni Thierry Hermès, ang French businessman na nagtayo ng world-famous brand na Hermès noong 1837.
Si Nicolas, 80, ay single at walang anak, at ang napupusuan niyang gawing tagapagmana ay ang kanyang “former gardener and handyman” na hindi pinapangalanan sa mga ulat.
Nagretiro si Nicolas bilang miyembro ng board of directors ng Hermès noong 2014, subalit nananatili siyang stakeholder ng company at may 5.7% share.
Ang yaman ni Nicolas ay tinatayang nasa $10-11 billion o PHP565-631 trillion.
Ayon naman sa business magazine na Bilan, si Nicolas ang isa sa pinakamayamang negosyante sa Switzerland, kung saan siya naninirahan.
Read: 60-year-old jewelry business, ipinamana ng owners sa loyal employees

Bagamat hindi tinutukoy ang identity ng hardinero, binanggit sa mga report na siya ay 51 anyos “from a modest Moroccan family.”
Meron itong asawang Spanish woman at dalawang anak.
Iniulat ng Swiss media nitong December 1, 2023 na nagpadala ng liham si Nicolas sa kanyang abogado noong October 2022 para simulang ayusin iiwanan niyang yaman.
Binanggit ni Nicolas sa liham na gusto niyang ampunin ang kanyang hardinero, na siyang gagawin niyang tagapagmana.
Read: Twins separated at birth discover each other on TikTok after 19 years
Ulat naman ng Tribune de Genéve, “In Switzerland, adopting an adult is not impossible, but it is unusual.”
Sa kasalukuyan, ayon sa mga reports, inaasikaso na ang pag-aampon ni Nicolas sa hardinero.
Kapag legally adopted na ang hardinero, mamanahin nito ang tinatayang kalahati sa kabuuang yaman ni Nicolas.
Ang nakikitang problema ngayon ay ang 2011 testament na pinirmahan ni Nicolas na nagsasabing ipapamana niya sa Isocrates Foundation na based sa Geneva ang kanyang yaman kapag pumanaw siya.
Subalit noong February 2023, iniulat na nagbago ang isip niya, kaya may intensiyon siyang palitan ang naunang "testamentary arrangements.”
Kinumpirma ng mga opisyal ng foundation na nalaman nila ang pagbabago ng isip ni Nicolas, pero hindi nila umano alam ang impormasyon sa plano ng negosyanteng baguhin ang kanyang testament.
Sa kabila ng mga balitang ito, nananatiling tahimik at hindi pa lumalantad ang hardinero na posibleng magbago ang buhay sa oras na maging legal na ampon na siya ni Nicolas.
Read: Meet Ianne Gamboa, bar passer na first trans woman valedictorian ng PUP
