Viral ang mala-"Crazy Rich Asians" na wedding na nangyari sa Surabaya, Indonesia.
Kasal ito ng dalawang anak ng mayayaman at makapangyarihang Indonesian business tycoons.
Ang ginastos sa kasal ay umabot diumano sa $4.8 million o tinatayang PHP268 million.
Ilan sa performers ay international pop artists, at kabilang sa guests ay mga kilalang foreign celebrities.
Ang ikinasal ay sina Ryan Harris, 35, at Gwen Ashley Widodo, 19.
Si Ryan ay anak ng dating presidente ng AirAsia Indonesia na si Pin Harris.
Si Gwen, isang fashion designer, ay anak ng kilalang property tycoon sa Surabaya na si Markus Widodo at ng kilalang Indonesian fashion designer na si Warren Tjandra.

Bride Gwen Ashley Widodo, 19, and the groom Ryan Harris, 35
Read:
- Tagapagmana ng Hermés, 80, ipapamana ang malaking yaman sa kanyang hardinero
- Bank accidentally deposits PHP4.8 billion in HR employee’s personal account
LAVISH DETAILS OF THE WEDDING
Ipinost ang mga photos at videos sa social media, at ginamit ang mga salitang “royal,” “lavish,” at “extravagant" para ilarawan ang wedding.
Ang venue ay sa The Westin Surabaya, at may theme rooms pa na nagtampok ng Ferrari exhibit mula sa car collection ng groom.
Ang door gifts para sa 2,000 guests ay Hermes plates na nagkakahalaga ng $150 o higit PHP8,000.


Bigatin din ang mga guests at performers sa wedding na kinabibilangan nina Brian McFadden ng '90s boyband na Westlife, Keith Duffy ng Irish boyband na Boyzone, at Nicole Scherzinger ng The Pussycat Dolls.


Makikita rin sa videos na kasamang nag-i-enjoy ng international artists ang newlyweds at guests habang sila ay nagpe-perform.
Ayon sa ulat, walong buwan ang pagpaplano ng wedding at ang set-up sa reception ay tumagal ng anim na araw.
