PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

$44.8M Diamond Ring Found Near Ritz Paris

This is not the first time that theft was reported inside the reputable hotel.
by Bernie V. Franco
Published Dec 12, 2023
Ritz Paris
Last December 8, 2023, a Malaysian woman staying at a hotel room in the reputable Ritz Paris Hotel reported that her $800,000 (around PHP44.8 million) diamond ring as allegedly stolen by an employee. But two days after, the ring was found in an unusual place.
PHOTO/S: Facebook (Ritz Paris)

Lumikha ng ingay ang balita ukol sa nawalang diamond ring sa kilalang hotel sa Paris, France.

Ang mamahaling singsing ay tinatayang nagkakahalaga ng $800,000 o PHP44.8 million.

Isang Malaysian woman ang may-ari nito na nag-check in sa Ritz Paris Hotel.

Nadiskubre niyang nawawala ang kanyang diamond ring sa kanyang hotel room noong December 8, 2023.

Nagreklamo ang babae dahil aniya ay ninakaw ang kanyang mamahaling diyamante sa kanyang hotel room, ulat ng Le Parisien newspaper.

Binanggit sa ulat na namili ang babae sa kalapit na Place Vendome noong Biyernes.

Pagbalik sa kanyang hotel room, napansin niyang nawawala ang kanyang singsing sa kanyang bed stand.

Nagtungo ang babae sa pulisya para i-report ang nawawalang alahas. Sumama ang pulisya sa Ritz Paris Hotel para mag-imbestiga.

Tumanggi naman ang hotel management na magbigay ng statement kaugnay ng diumano’y nakawan.

Hindi naman ito ang unang insidente na may nangyaring nakawan sa kilalang hotel.

Noong 2018, sinabi ng isang miyembro ng Saudi royal family na ninakawan siya ng mga alahas sa hotel na ang halaga ay aabot sa $900,000 o PHP50.4 million.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read:

MISSING DIAMONd RING found

Pero dalawang araw lamang matapos iulat ng Malaysian woman ang kanyang nawawalang singsing, nagkaroon ng development ang kuwento.

Ang nawawalang diamond ring ay nakita sa loob ng vacuum cleaner nitong Linggo, December 10. Ang security guards ng Ritz Paris Hotel ang nakakita ng singsing.

Nakauwi na sa Malaysia ang babae pero inaasahang bibiyahe muli sa London para personal na kunin ang singsing.

Naglabas ng official statement ang hotel sa Le Parisien kaugnay ng development ng kaso.

"Thanks to the meticulous work of security guards, the ring was found this morning,” ayon sa statement.

"We would like to thank the staff at the Ritz Paris who mobilised for this search and who work each day with integrity and professionalism."

Read: Tagapagmana ng Hermés, 80, ipapamana ang malaking yaman sa kanyang hardinero

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Last December 8, 2023, a Malaysian woman staying at a hotel room in the reputable Ritz Paris Hotel reported that her $800,000 (around PHP44.8 million) diamond ring as allegedly stolen by an employee. But two days after, the ring was found in an unusual place.
PHOTO/S: Facebook (Ritz Paris)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results