Naghahanda ang isang ama na tanggalan ng mana ang kanyang anak na lalaki dahil sa naging alitan nilang mag-ama.
Ang kuwentong ito ay inilahad ng Newsweek nitong December 9, 2023.
Inilahad ng isang ama ang kuwento via Reddit, isang international social news and forum website.
Ang netizen (@HedgehogAcceptable84), ay nagkuwento kung bakit nagkaroon ng lamat ang relasyon niya at misis nito sa kanilang anak na lalaki.
Maraming netizen ang nagkomento na maaaring naiwasan sana ang hidwaan ng ama at anak kung inirespeto ng anak ang rule ng mga magulang sa kanilang tahanan.
Nanuluyan kasi ang anak at ang asawa nito sa bahay ng mga magulang. Pero ang pagsasama pala nilang sa iisang bahay ang magdudulot ng lamat sa kanilang relasyon.
"Before living together we had a good relationship, the problem came when his wife wouldn't follow the home rules," paliwanag ng ama sa kanyang Reddit post.
Sabi ng ama, "They are pretty simple like clean up after yourself, don't be loud at night and the big one was no drinking in the home. No alcohol in the home. We made this really clear and my son knows his mother has trauma related to alcohol."
Noong unang buwan ay payapa ang pagsasama-sama nila. Subalit nagsimula ang problema nang tumama ang cold weather. Naghinala ang parents na umiinom ng alak ang kanilang anak at asawa nito. At tama ang kanilang hinala.
"My wife found wine in the attic,” lahad ng ama. Itinapon nila ang mga bote ng alak na siyang dahilan para magalit sa kanilang anak at manugang.
Nagkaroon ng tensiyon sa mga sumunod na araw.
Ilang linggo ang nakalipas, umalis sa bahay ang anak at misis nito. May hakbang din na ginawa ang anak.
"My son met up with me and told us we can't see our grandkids anymore," sabi ng ama. "That the incident made him rethink our relationship."
Sinumbatan ng ama ang anak tungkol sa paglabag nila sa “one big rule in the home” at ang paglabag daw na ito na ginawa ay nagdulot ng matinding stress sa kanyang ina. Pero hindi natigatig ang anak.
Sabi ng ama, "He told me it was final and I told him if he goes through with this he will be out of the will.”
Read:
- PHP44.8M diamond ring "stolen" from Ritz Paris Hotel room, found in most unlikely place
- Bakit nagiging mabenta ang “expired” food sa Japan?
A THERAPIST’S POV
Kinunan ng reaksiyon ng Newsweek si Carole Cox, isang licensed marriage and family therapist.
Sabi ni Carole, ang sitwasyon ay kaso ng paglabag sa boundaries at rules sa parehong partido.
Ang banta rin ng anak at ng ama sa isa't isa "indicates that there has been a history of poor boundaries and lack of respect for one another."
Sabi ng therapist, "The actions of both sides—banning visits to the grandchildren and cutting the adult son out of the will—have the intention of wanting to hurt in a manner that will cause the most pain and create some finality.”
Mas maganda raw na maayos agad ang di pagkakaunawaan ng ama at anak.
Magkakaiba naman ang reaksiyon ng netizens ukol sa sitwasyon. May mga nagsasabing nakikisimpatya sila sa ama at sana raw ay inirespeto ng anak ang panuntunan sa bahay, partikular ang isyu ukol sa alak.
Binanggit din sa report na may mga kaso ng mga pamilyang nasisira ang relasyon sa U.S.
Sa 2022 YouGov poll na may 11,309 respondents, lumalabas na "more than one in four” ang nagkakaroon ng lamat sa relasyon sa kanilang kapatid, magulang, anak, at grandparent.