Naiwang nakalambitin sa ere ang may 32 katao matapos tumigil ang roller coaster sa Universal Studios sa Osaka, Japan, nitong Huwebes, December 14, 2023.
Dakong ika-11:00 ng umaga, tumigil ang Flying Dinosaur ride, na dating world's longest flying roller coaster bago inilunsad ang F.L.Y. ng Phantasialand, na nagbukas sa Germany noong September 17, 2020.
Ang siste, tumigil ang ride sa pinakamataas na bahagi nito, 40 meters above the ground, ulat ng NHK World Japan.
Naging Paliwanag ng mga awtoridad, ang roller coaster ay automatic na humihinto kapag may na-sense na abnormality ang sensors nito. Pero hindi pa natutukoy ang eksaktong dahilan kung bakit ito huminto.

Nakunan ng video ang pangyayari at naibahagi sa social media.
Makikitang nakabitin ang mga pasahero.
Sabi pa ng netizen na nag-post ng video, 30 minutes nagtagal ang mga stranded na pasahero.
Read:
- Coffee shop in Bacolod laments unfair bad reviews from 10 “feeling entitled” students
- Former Louis Vuitton employee gives tips how to spot fake LV bag
[twitter:
Video: People were left stranded after a roller coaster made an emergency stop at Universal Studios Japan this morning. The roller coaster in question is called the Flying Dinosaur. pic.twitter.com/LkRKmcxl5H
— Jeffrey J. Hall ???????????????? (@mrjeffu) December 14, 2023
]
Gumamit naman ng emergency staircase ang mga workers sa amusement park para saklolohan ang mga pasahero.
Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.
Hindi ito ang unang beses na tumigil ang isang ride sa Universal Studios Japan.
Noong 2021, huminto rin sa highest point ang isang ride dahil biglang nawalan ng kuryente.
Noong May 2018 ay tumigil din ang Flying Dinosaur at nagtagal ng dalawang oras na nakabitin ang mga pasahero.
