PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Original Painting Nabenta ng PHP5.6M

Finally sold!
by Bernie V. Franco
Published Dec 18, 2023
Ramona by N.C. Wyeth
It was quite a journey for this painting, which was bought for $4 from a thrift shop. It turned out to be an original work by American illustrator N.C. Wyeth.
PHOTO/S: Bonhams Skinner

Never say never!

Happy ending pa rin ang kinahinatnan ng original painting na nabili ng isang babae sa isang thrift shop sa halagang $4.

Matatandaang umabot sa $191,000 ang presyo ng bid para rito noong pina-auction, pero umurong ang buyer.

Nang mapaulat ang sinapit ng painting, nagka-interes ang isang bagong buyer at binili ito ng higit sa $100,000.

Read: Painting, binili ng PHP200 sa second-hand shop, original pala na abot PHP14M ang presyo

BACK STORY OF THE ORIGINAL PAINTING

Taong 2017 nang mabili ni Tracy Donahue ang painting mula sa thrift shop sa New Hampshire, New England sa U.S.

Ngayong 2023, na-authenticate ang painting na obra pala ng American illustrator na si N.C. Wyeth (1882-1945).

Illustration ito na ginamit sa 1939 edition ng Ramona, ang 1884 novel na isinulat ni Helen Hunt Jackson, isang American writer and poet.

Nagka-interes dito ang Bonhams Skinner, kilalang auction house sa U.S., isinubasta at umabot sa $191,000 (PHP10 million) ang bid amount.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Subalit umurong ang buyer na naka-base sa Australia.

Read: Original painting, nabili for PHP200 at nakakuha ng PHP10M bid sa auction, napurnada ang benta

Nanlumo si Tracy, at tinawag na “biggest disappointment ever” ang nangyari.

Umasa kasi sila ng kanyang mister na si Tom na matutuloy ang transaksiyon.

Pero sabi nga sa kasabihan, “When a door closes, God opens a window.”

Read: Ephraim Bie, Top 1 in bar exam, gets PHP1.95 million incentive

THE NEW BUYER

Nabalitaan ni Aviva Lehmann ng Heritage Auctions ang sinapit ng painting na pagmamay-ari ni Tracy.

Kumurot daw ang kuwento sa kanyang puso, kaya nagdesisyon siyang hanapan ng bagong buyer ito, ayon ulat ng The New York Times.

Nakipag-ugnayan si Aviva kina Tracy at Tom.

May kilalang private collector daw si Aviva na naiisip niyang pagbentahan.

Coincidentally, bigla raw nag-message sa kanya ang private collector na ito.

Nabasa rin pala niya ang kuwento ng painting at interesado siya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-close nina Aviva at ng collector ang deal at three o'clock in the morning.

Ramona by N.C. Wyeth

Ang illustration ni N.C. Wyeth na ginamit para sa nobelang "Ramona" na isinulat ni Helen Hunt Jackson.

Nito lamang Huwebes, December 14, pumunta ang mag-asawang Donaue sa isang public library sa Keene, New Hampshire para makipagkita kay Aviva, at personal na iabot ang painting sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipinadala naman ni Aviva ang bayad kay Tracy via wire transfer. Naibenta ng $100,000 (PHP5.6 million) o posibleng higit pa.

Ulat ng The New York Times, hindi tinukoy ni Aviva kung sino ang buyer, pero ang kinumpirma niyang ang presyo ay “six figures.”

Matapos ang transaksiyon, nagtungo ang mag-asawa sa barbecue restaurant, pero nais tiyakin ni Tracy na may pambayad sila.

“Tom has shown me four times already,” pagtukoy ni Tracy sa banking app.

Mahihinuhang naninigurado lang si Tracy dahil sa una nilang sinapit kung saan napurnada ang benta.

Ngayon, balak ni Tracy at ng kanyang mister na bisitahin ang kanilang anak na naninirahan sa Germany, at mamahagi ng biyaya ngayong Kapaskuhan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It was quite a journey for this painting, which was bought for $4 from a thrift shop. It turned out to be an original work by American illustrator N.C. Wyeth.
PHOTO/S: Bonhams Skinner
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results