PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Huli ka, lola! Nakapulot ng smartphone

Isinama pa ang anak na babae sa pagsa-shopping
by KC Cordero
Published Dec 18, 2023
The receipts
Kinondena ng netizens ang lolang ginastos ang laman ng e-wallet ng napulot na smartphone. Ang may-ari ay isang laborer na iniipon ang kinikita para masuportahan ang apo.

Nakapulot ang 60 anyos na si Wang ng isang smartphone noong November 25, 2023 sa isang kalye sa Sichuan, isang probinsiya na nasa southwestern part ng China.

Nagulat si Wang nang malaman na walang security code o hindi password-protected ang smartphone.

Natuklasan din niyang ang may-ari nito ay may pondo na 5,100 yuan (PHP39,924.64) sa e-wallet.

Read: Robbers steal 220 assorted rubber shoes, all for right foot

Woman holding a smartphone

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: PHP500K-worth Gold Air Jordan 3 ng Hollywood director, natagpuan sa donation bin ng isang shelter

Nang buksan niya ang WeChat wallet, nalaman din niyang walang barrier para ma-access ang pera.

Nagdesisyon si Wang na ipag-shopping ang kanyang anak na babae gamit ang perang nasa smartphone.

Nagsinungaling siya sa kanyang anak, at sinabi rito na binigyan siya ng kanyang bagong boyfriend ng smartphone na may lamang pera para ipang-shopping.

Namili ang mag-nanay ng mga damit gamit ang pera mula sa napulot ni Wang na smartphone.

Walong magkakahiwalay na payments ang ginawa ni Wang—at lahat ito ay mababa sa 1,000 yuan (PHP7,828.36).

Read: Need to reheat food anytime, anywhere? Presenting first-ever microwave bag

WeChat transaction

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: 3 magkakaopisina, nag-avail ng naka-promo na nose job; retoke, palpak

Sa password-free payment system ng WeChatPay, pinapayagan lang ang mga transaksiyon na mababa sa 1,000 yuan.

Ipinagbigay-alam naman sa pulisya ng may-ari ng smartphone na nakilala lang sa pangalang He ang pagkawala ng kanyang smartphone.

Ayon kay He, isa siyang manual laborer.

Ang pera sa kanyang e-wallet ay pinag-ipunan at ginagamit sa pang-araw-araw na gastusin ng kanyang apo na siya ang nag-aalaga.

Na-track down ng pulisya si Wang dahil sa mga ginawa nitong transaksyon, at sa tulong ng CCTV footage sa clothing store kung saan ito namili ng mga damit kasama ang anak na babae.

Read: Son-in-law hindi welcome sa bahay ng biyenan, bakit kaya? Netizens pabor sa desisyon ng biyenan

Photo of the duo while shopping

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: News anchor binuweltahan ang male viewer na pinintasan ang kanyang katawan at pananamit

Pasamantala siyang nakadetine habang iniimbestigahan pa ang kaso.

Naging viral ang kuwento sa social media ng China, at marami ang nagkondena sa ginawa ni Wang.

Ayon sa isang nagkomento, si Wang ay may “evil heart.”

Sabi naman ng isa, hindi na umano nahiya si Wang na walang pakundangang ginastos ang pera ng ibang tao.

Umaasa naman ang ibang netizens na sana ay maibalik ang pera sa laborer.

Pero ang mahalagang aral dito: Napaka-importanteng mag-set ng password at One-Time Password (OTP) sa mobile phone at iba pang online payment platforms.

At bago gumamit ng e-wallet ng iba, maghunos-dili ka dahil marami nang paraan para matunton ka.

Read: Barber shop na maraming customer na panot, may kakaiba palang aktibidad

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinondena ng netizens ang lolang ginastos ang laman ng e-wallet ng napulot na smartphone. Ang may-ari ay isang laborer na iniipon ang kinikita para masuportahan ang apo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results