Mukhang hindi magiging madali ang plano ng Hermes heir na si Nicolas Puech, 80, na ipamana ang yaman niya sa “former gardener and handyman.”
Ang sarili kasi niyang foundation, naghahabol din sa kanyang yaman.
Read: Tagapagmana ng Hermés, 80, ipapamana ang malaking yaman sa kanyang hardinero
Si Nicolas ang fifth-generation heir ni Thierry Hermes, ang French businessman na nagtayo ng world-famous brand noong 1837.
Nagretiro si Nicolas bilang miyembro ng board of directors ng Hermès noong 2014, subalit nananatili siyang stakeholder ng company at may 5.7% share.
Ang yaman ni Nicolas ay tinatayang nasa $10-11 billion o PHP565-631 trillion o mas malaki pa.
Ngayong December, pumangatlo ang angkan ni Nicolas sa World’s Wealthiest sa annual ranking ng family fortune ng Bloomberg.
Siya ay single at walang anak.
Pero inaasikaso na ni Nicolas ang mga dokumento para ampunin ang kanyang hardinero at gawin itong tagapagmana.
Subalit ang nakikitang problema ngayon ay ang 2011 testament ni Nicolas na nagsasabing kapag pumanaw na siya, ipapamana ang kanyang yaman sa foundation niyang Isocrates Foundation.
Read:
- MMA fighter foils robbery attempt of three suspects
- 103-year-old Christmas tree sells for more than PHP200,000 at auction
FOUNDATION CONTESTS PUECH'S PLAN
Itinayo ni Nicolas ang foundation na dati ay Nicolas Puech Foundation bago naging Isocrates Foundation.
Sa recent report ng Fortune, sinabing nais bawiin ni Nicolas ang kanyang kontratang papamanahan niya ang foundation.
Pero kinokontra ito ng Isocrates Foundation. Parte ng pahayag nito: “From a legal standpoint, the abrupt and unilateral annulment of a succession agreement appears void and unfounded.
“The foundation has opposed this move, while leaving the door open to discussion with its founder and president.”
Tumanggi naman si Jörn-Albert Bostelmann, abogado ni Nicolas, na magbigay ng specific details kaugnay ng isyu.
Pero magpapatawag daw sila ng press conference “to separate the fact from the fiction and to dispel some of the nonsense that has been reported in the media,” ulat ng Fortune.
Sinabi rin ng Isocrates Foundation na sila ay “isn’t in a position to judge the process or context” sa hangad ni Nicolas na ampunin ang kanyang dating tauhan.
Sa paglipas ng mga taon, nag-iba na rin ang scope ng foundation ni Nicolas.
Dati, ang Geneva-based foundation na ito ay nangunguna sa “charitable, humanitarian, religious, medical or cultural areas, as well as in environmental science.”
Pero noong 2022 ay nag-venture ito sa pagsuporta sa public interest at investigative journalism, at “healthy digital public space.”
Nakalista rin sa website ng foundation ang mga grantees nito tulad ng mga organizations.
Una nang naglaan ng $11.5-million seed money si Nicolas sa Isocrates Foundation, at nakasaad sa kasulataan na popondohan ito mula sa “fruits and revenues of his fortune” pati na rin mula sa subsidies, donations, and government aid.
