PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gimik nauwi sa trahedya dahil sa kawalan ng masakyang taxi

Sa inis ng lalaki, hinagis sa kalsada ang kaibigan niyang lasing.
by Bernie V. Franco
Published Dec 21, 2023
wine glasses cheers
Isang masayang pagkikita-kita ng magkakaibigan sa gimik, nauwi sa isang trahedya dulot ng kawalan ng masasakyan pauwi.
PHOTO/S: Scott Warman via Unsplash

Isang gabi ng kasiyahan, nauwi sa malagim na trahedya sa Singapore.

Na-frustrate ang isang lalaki dahil hindi siya makakuha ng cab.

Ang ginawa niya, binuhat ang kasama niyang babae na lasing saka inihagis sa kalsada.

Hindi man agaran, pero ito ang naging cause of death ng babae na nagtamo ng pinsala at pagdurugo sa ulo.

Nitong December 19, 2023, nag-plead ng guilty si Jason Ong Bing Qi, 33, sa kaso laban sa kanya for voluntary causing hurt, ayon sa ulat ng Asian news media outlets.

Sa report ng The Straits Times, ang biktimang si “Joey” ay lumabas kasama ang tatlong kaibigan, at uminom sila sa isang club sa Magazine Road, Central Mall sa Singapore, noong November 5, 2022.

Sinabi sa iba pang ulat na si Joey, 33, ay isang hairdresser.

Sa club nagkita sina Joey at Jason na naging magkaibigan noong early 2022.

Pagpatak ng madaling araw, umuwi na ang tatlong kaibigan ni Joey. Si Joey naman, pumayag sa alok ni Jason na sabay na silang dalawang umuwi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dakong 1:20 a.m., nagdesisyong umuwi ang dalawa. Halos gumapang sa kalasingan si Joey.

Read:

“The accused knew that the deceased was drunk and she was mumbling when she talked,” ani Deputy Public Prosecutor Emily Koh sa ulat ng The Straits Times.

THE INCIDENT

Ilang ulit tinangka ni Jason na mag-book ng taxi subalit hindi siya sinuwerte. Sinubukan din niyang pumara pero hindi sila hinintuan.

Napaupo na sila sa sahilg sa kalsada dahil sa bigat ng lasing na si Joey.

Tumayo si Jason at nagawang itayo si Joey, na napasalampak uli sa kalsada at ayaw gumalaw.

Sabi ni Koh, “Frustrated and angry, the accused took the deceased’s phone and threw it on the grass patch nearby.”

Man in long sleeves

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

The accused, Jason Ong Bing Qi, admitted that he lifted his friend and threw her to the concrete ground out of frustration.

Tumayo raw si Joey at kinuha ang phone. Itinulak ng biktima si Jason at sinabing gusto niyang umuwi. Tumanggi na raw noon si Joey sa alok ni Jason na ihahatid siya pauwi.

Out of frustration, gamit ang kanyang dalawang kamay, binuhat ni Jason si Joey at inihagis ito sa kongkretong kalsada.

Hindi gumalaw ang biktima. Hindi na siya tiningnan ni Jason, na bumalik na lang sa club.

May mga pedestrians na nagmagandang loob, at binuhat ang biktima para dalhin sa isang sheltered walkway.

Hindi rin daw sumasagot si Joey habang kinakausap siya.

Pero nang tumawag ang isa niyang kaibigang nakasama sa club, nakasagot daw si Joey sa phone na naka-speaker mode.

Isa sa mga nagmagandang-loob na tulungan si Joey ay Grab driver.

Gamit pa rin ang phone, nakiusap ang kaibigan na ihatid na lang si Joey sa kanyang tirahan, at babayaran na lang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naihatid si Joey sa kanyang bahay. Tinulungan siya ng kasambahay na magpalit at inihiga sa kama.

Dumating umano ang mister ni Joey dakong 3:30 a.m., at narinig pa niyang humihilik ang misis.

Bandang 11 a.m., humihilik pa rin daw si Joey kaya hindi na siya ginising ng mister na kelangan nang umalis.

Subalit pagbalik ng mister bandang 3:00 p.m., napansin nitong hindi na humihilik si Joey. Nakadilat umano ang mga mata nito at malamig na.

Tumawag ng ambulansiya ang mister. Tinangka niyang i-resuscitate ang misis habang hinihintay ang paramedics.

Subalit pagdating ng mga awtoridad, patay na ang biktima.

November 8, 2022 naman ay lumipad papuntang Thailand si Jason dahil na-stress umano ito sa mga natatanggap niyang tawag mula sa mga kabigan at pulis, ani Deputy Public Prosecutor Koh.

Pagbalik niya sa Singapore noong November 11, 2022, inaresto si Jason.

Sa imbestigasyon, inamin ni Jason na hinagis niya ang biktima dahil na-frustrate ito sa sitwasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakita rin sa surveillance footage na sobrang lakas ng paghagis niya sa biktima, and it “caused her body to flip over during mid-fall.”

Lumabas din sa forensics na nagtamo ng sugat at pagdurugo ang ulo ni Joey.

Hiniling naman ni Deputy Private Prosecutor Koh sa korte na makulong ng 36 to 42 months si Jason.

Sinabi pa ni Koh na ang “aggravating factors” ay ang vulnerability ng biktima—lasing at pagiging petite.

Binigyang diin din ni Koh ang pagsisisi at ang pagiging cooperative sa imbestigasyon ng akusado pagbalik nito sa Singapore.

Nakatakdang basahan ng sakdal ang akusado sa January 16, 2024.

Binanggit din sa ulat na kapag nahatulang guilty sa kasong “voluntary causing hurt which causes grievous hurt,” maaaring makulong ng hanggang limang taon at magbabayad ng 10,000 Singaporean dollars o PHP418,000 si Jason.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang masayang pagkikita-kita ng magkakaibigan sa gimik, nauwi sa isang trahedya dulot ng kawalan ng masasakyan pauwi.
PHOTO/S: Scott Warman via Unsplash
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results