Nabili ni Jessica Vincent ng Richmond, Virginia, USA, ang isang glass vase sa halagang US$3.99 sa isang Goodwill Store—na tindahan ng mga lumang gamit, kung saan ang iba ay galing sa donasyon.
Suki siya sa naturang store.
Sa loob ng isang linggo, nakakailang balik siya sa Goodwill Store para maghalungkat ng puwedeng bilhin.
Nang makita niya ang red and sea-foam green vase, agad niya iyong nagustuhan.

Read: Wish list ng batang babae kay Santa Claus, puro mamahaling gadgets; netizens hati ang opinyon
Aniya sa artikulong nalathala sa Richmond Times Dispatch, isang local news site, noong December 16, 2023, kilala si Jessica sa pagkakaroon ng matalas na mata sa mga bagay na kakaiba.
"You can put me in an aisle with a whole bunch of dollar store stuff, and I can pick out the one item with a little bit of value."
Paglalarawan niya sa vase, may taas iyon na 13 inches at pinturado ng burgundy and green brushstrokes.
May marking din iyon sa ilalim na “Murano.”
“It was so unusual. It had such quality. I knew it was a good piece of glass with the mark on the bottom.”
Read: Bomba na dekorasyon sa isang garden, may light charge pa pala
Nang mabili niya ang vase, kinunan niya ito—maging ang marking at insignia—ng mga larawan.
Ipinost niya ang mga larawan sa kanyang social-media accounts, pati na rin sa glassware Facebook group kung saan isa siya sa members.

Read: Empleyada nakatanggap ng baked potato as Christmas bonus; kinaltasan pa ng tax
Gayun na lang ang gulat niya nang isa sa mga miyembro ng FB group ang nagsabing hindi iyon ordinaryong vase.
Gawa umano iyon ni Carlo Scarpa, isang pamosong arkitekto mula sa Venice, at naging creative director ng sikat na Italian company na Venini noong 1942.
Ang vase ay bahagi ng “Pennellate” series ni Scarpa.
Read: Pope Francis pinayagan na ang pagbebendisyon sa same-sex couples
Sambit ni Jessica, “People in the FB group said these [Pennellate series] are extremely rare, top-shelf pieces. People only dream of owning these.
“They said, ‘I would die if I saw that out in the wild.’ It gave me chills to see all those comments.”
Napag-alaman din niya na ang “Murano” sa ilalim ng vase ay tumutukoy sa isang isla sa Venice na sikat dahil sa glasswork nito noon pang 13th century.
Read: Cris Guiral, umangat ang buhay dahil sa 4ps, pagsisikap sa pag-aaral
Ipinakita ni Jessica ang vase sa Wright Auction House sa Chicago, at doon niya nalamang authentic ito at likha nga ni Scarpa.
Humanga ang auction house sa ganda ng kondisyon ng vase, walang pingas o kahit kaunting gasgas.
Amazing umano na napapunta iyon sa thrift house na in perfect shape pa rin.

Read: Genius na may master's at doctorate degrees, piniling maging jobless
Sa unang pagtataya ng Wright, nasa US$30,000 hanggang US$50,000 ang presyo nito.
Pero nang idaan na sa auction, umabot sa US$107,100 (PHP5,930,448.30) ang bid ng isang European collector.
Laking tuwa ni Jessica.
Nakatanggap siya ng US$83,500 (PHP4,623645.50) mula sa naging benta ng vase, habang ang US$23,600 (PHP1,306,802.80) ay napunta sa auction house.

Read: Huli ka, lola! Nakapulot ng smartphone na hindi password-protected; nag-shopping gamit ang e-wallet
Aniya, gagamitin niya ang pera para makumpleto ang ipinapatayong farmhouse na sinimulang gawin January early this year. Nag-aalaga siya ng mga kabayo.
Masaya rin si Jessica na napunta sa isang collector ang vase dahil mas maiingatan iyon.
"I knew I wanted to get it back in the art world. They didn't know it existed. I feel like I saved it from obscurity."
Read: Robbers steal 220 assorted rubber shoes, all for right foot
