PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Korean actor Lee Sun Gyun found dead inside his parked car

Lee Sun Gyun dies at 48.
by Erwin Santiago
Published Dec 27, 2023
lee sun gyun death
Parasite actor Lee Sun Gyun was found unconscious at his parked car at Waryong Park in Seoul, South Korea, on December 27, 2023. He was 48.

Warning: Possible mention of suicide

Pumanaw na ang sikat na South Korean actor na si Lee Sun Gyun.

Siya ay 48.

Ayon sa report ng Seoul Seongbuk Police Station ngayong December 27, 2023, Miyerkules, natagpuan nila ang isang walang malay na lalaki sa loob ng isang nakaparadang sasakyan sa Waryong Park sa Seoul.

Pumunta umano sila sa lugar matapos makatanggap ng emergency call mula sa isang babae na nagsabing umalis ang kanyang mister sa kanilang tahanan matapos sumulat ng isang suicide note.

Kinalaunan, kinumpirma ng mga awtoridad na ang lalaking natagpuan sa nakaparadang sasakyan ay ang aktor na si Lee Sun Gyun. "His identity has been confirmed," sabi ng police.

Sinabi ng rin police na natagpuan nila sa loob ng sasakyan ni Lee Sun Gyun ang nakasinding charcoal briquettes, na karaniwang ginagamit ng mga Korean kapag winter, isang pruweba na posibleng may kinalaman sa suicide ang pagkamatay ng aktor,

Mula noong buwan ng Oktubre 2023 ay iniimbestigahan ng mga awtoridad si Lee Sun Gyun dahil sa alegasyong may kinalaman sa illegal drug use.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: ‘Parasite’ actor Lee Sun Gyun under investigation for suspected drug use; agency reacts

Si Lee Sun Gyun, na kilala sa kanyang deep voice, ay isa sa itinuturing na pinakamahusay at pinakasikat na aktor sa South Korea.

Ilan sa mga K-drama na tinampukan niya ay Coffee Prince (2007), Pasta (2010), Golden Time (2012), Miss Korea (2013-2014), My Wife's Having An Affair This Week (2016), My Mister (2018), Diary of A Prosecutor (2019-2020), at Payback (2023).

Kabilang naman sa mga pelikulang nilabasan niya ay R-Point (2004), Sa-kwa (2005), Our Town (2007), Romantic Island (2008), The Apprehenders (2011), All About My Wife (2012), Nobody's Daughter Haewon (2013), A Hard Day (2014), A Special Lady (2017), Jo Pil-Ho: The Dawning Rage (2019), Kingmaker (2013), at ang Oscar Best Picture-winner na Parasite (2019).

Naulila ni Lee Sun Gyun ang kanyang misis, ang aktres na si Jen Hye Jin, at ang kanilang dalawang anak.

Ang depresyon ay seryosong usapin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga organisasyong handang tumulong sa mga taong dumaraan sa ganitong kondisyon.

Katulad na lamang ng National Center for Mental Health na inilunsad ng Department of Health.

Maaari silang tawagan sa mga sumusunod na 24/7 hotline:

0917 899 8727 (USAP); at 989 8727 (USAP)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parasite actor Lee Sun Gyun was found unconscious at his parked car at Waryong Park in Seoul, South Korea, on December 27, 2023. He was 48.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results