PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Russian Electric Car Design Mocked

“Ugliest car ever”
by KC Cordero
Published Dec 27, 2023
The Amber Yantar
Mura lang ibebenta ang Amber Yantar, ang bagong electric vehicle mula sa Russia. Pero nagiging katatawanan ito dahil sa “unflattering exterior” nito.

Isinapubliko kamakailan ang Amber Yantar, isang prototype ng electric vehicle na binubuo ng Avtotor katuwang ang Moscow Polytechnic Institute.

Ang Avtotor ay isang Russian carmaker na nakabase sa Kaliningrad, isang siyudad na matatagpuan sa pagitan ng mga bansang Poland at Lithuania.

Matapos nitong ilabas ang disenyo ng electric vehicle, naging katatawanan sa Internet ang“unflattering exterior” ng kotse.

Read: Vase na nabili lang ng PHP220, nabenta ng almost PHP6M

The Amber Yantar

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lalaking hindi nasarapan sa ulam na nilagang baboy, sinunog ang kanyang bahay

Inianunsiyo ng Avtotor na plano ng kumpanya na mag-produce ng 50,000 Amber Yantar electric cars sa 2025.

Idinagdag nito na ang lahat ng major components, gaya ng electric motor, inverter, control boards at baterya, ay ididisenyo at ima-manufacture sa Russia.

Pero may mga netizens na nagsasabing sa China pa rin magmumula ang piyesa ng mga ganitong proyekto sa Russia.

Read: Wish list ng batang babae kay Santa Claus, puro mamahaling gadgets; netizens hati ang opinyon

Bukod sa disenyo, walang masyadong inilabas na technical details tungkol sa Amber Yantar maliban sa sobrang mura nito kapag ibinenta na sa merkado.

Gagamit din daw ito ng 25kW/h battery, na maaaring rentahan para mas makamura.

Sinabi ring may top speed ang Amber Yantar na 105km/h (65 mph), na para sa mga car enthusiasts ay hindi impressive.

Ang 2022 Tesla model, isang American electric car, ay may top speed na 175 mph (282 km/h).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero dahil sa nakakatawang disenyo ng Amber Yantar, hindi na interesado ang mga car enthusiasts sa technical details nito.

Naging tampulan din ito ng online jokes, at may tumawag pa nga na “ugliest car ever.”

Read: Bomba na dekorasyon sa isang garden, may light charge pa pala

Netizens' comments

Read: Empleyada nakatanggap ng baked potato as Christmas bonus; kinaltasan pa ng tax

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Komento ng isa, “The high door line and sidestep suggest that the battery pack is very tall, which would be consistent with it being made out of your standard lead-acid car battery.

“If that is the case, 0 to 60 times would be measured in the minutes.”

Napakaliit naman ng bintana, puna ng iba.

Depensa naman ng Avtotor, magkakaroon ang Amber Yantar ng ibang disenyo kapag nagsimula na ang production nito.

Ang inilabas umanong disenyo ay “test mule” prototype lang.

Read: Genius na may master's at doctorate degrees, piniling maging jobless

Para naman sa mga observers, mukhang pilit na lang isinasalba ng Avotor ang sarili sa kahihiyan.

Kinuwestiyon din nila ang naging desisyon ng kumpanya na maglabas ng protoype na walang appeal.

Read: Huli ka, lola! Nakapulot ng smartphone na hindi password-protected; nag-shopping gamit ang e-wallet

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mura lang ibebenta ang Amber Yantar, ang bagong electric vehicle mula sa Russia. Pero nagiging katatawanan ito dahil sa “unflattering exterior” nito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results