Isang achievement para sa 13-anyos na si Nathanael Koh na sa kanyang murang edad ay nakapagtapos na siya sa kolehiyo.
Si Nathanael, isang Singaporean, ay isa sa mga naging youngest students na nag-graduate sa Australian National University (ANU).
Nakakuha pa siya ng perfect grade point average (GPA) kaya may honours degree sa kinuhang music composition sa ANU School of Music.
Nakakuha rin siya ng high distinction sa kanyang thesis, na tungkol sa paggamit ng linear algebra “to find possible harmonies and test them out,” ulat ng The Straits Times.
Nakakamangha ang kuwento ni Nathanael na inakala ng kanyang mga magulang na may diperensiya ito noong sanggol pa lamang.
Na-diagnose siya noong bata siya na may global development delay, isang kondisyon na apektado ang kanyang cognitive at physical development. Mahina ang kanyang muscles para gumawa ng everyday tasks.
Tuwing gabi ay umiiyak ang kanyang mga magulang sa takot na hindi siya magiging normal paglaki.
“Crying and feeling lost was a constant thing for [my wife and me] for months,” hayag ng kanyang amang si Chris Koh, 45, sa The Straits Times.
Sa edad na two years old, hindi pa nakakapaglakad si Nathanael. Hindi rin siya nakakapagsalita noong bata siya.
Pero nagbago ang lahat nang bigyan siya ng mga magulang ng mga libro at natutong magbasa.
Napagtanto nilang mas mabilis matuto si Nathanael kumpara sa kanyang mga ka-edad.
Read:
- 12 anyos, youngest graduate with five degrees sa isang U.S. college
- Meet Joys David: college student at 11, double-degree holder at 16
- First time! Prestihiyosong Harvard University mag-o-offer ng Tagalog course
NATHANAEL’S EDUCATION
Sa edad na tatlo, natuto siyang magpatugtog ng piano pero nag-switch sa musical theory sa rekomendasyon ng kanyang guro dahil mahina ang mga daliri ni Nathanael.
Eventually, as he got older, natuto si Nathanael na magpatugtog ng piano, clarinet, at saxophone.
Sa edad na nine years old, nakakuha siya ng diploma in music theory mula sa Trinity College sa London.
Sa edad na 12, nakakakuha siya ng mga grades na A+ sa mathematics modules sa New Zealand University of Canterbury.
Siya rin ang youngest composer-in-residence sa Kids Philharmonic Orchestra sa Singapore.
Ang mga original compositions niya ay pinatugtog ng professional musicians sa Britanya, U.S., Australia, at Finland.
Si Nathanael ay miyembro ng IQ society na Mensa sa Singapore at New Zealand. Ang kanyang IQ score ay 132. Ang average IQ ng tao ay 100.
Noong December 15, 2023, nag-graduate si Nathanael bilang isa sa pinakabatang estudyante na nagtapos sa ANU, na may degree sa music composition at may perfect GPA.
OVERCOMING CHALLENGES
Sabi ng kanyang ama, apat na taon na noon si Nathanael ay hindi pa nagsasalita. Noong pitong taong gulang siya ay hindi pa siya nakakakain ng solid food.
Noong 2015, tumira sila sa New Zealand para matutukan ang development ni Nathanael.
Pagkatapos ay lumipat sila sa Australia. Sa ngayon ay bumalik na sila sa Singapore.
Sabi ng ama niyang si Chris, noong sanggol pa lang si Nathanael, iniiwasan sila ng mga tao sa pag-aakalang may sakit si Nathanael.
Hindi naman nahirapan si Nathanael na pakibagayan ang kanyang mga kaklase na malayo ang agwat ng kanilang edad.
“I could think at the same level as them and we all communicated through our common language of music,” aniya.
Tanggap na rin niya ang kanyang kondisyon at hindi na siya nababahala sa iniisip ng iba.
“It’s part of me and I don’t particularly care. I can walk and run like other kids. I also do the things other 13-year-olds do,” katuwiran niya.
Ngayon ay nag-apply na si Nathanael para sa PhD programme in music composition sa ANU.
Hindi rin daw nababahala si Nathanael na kahit sa murang edad ay siniseryoso na niya ang kanyang pag-aaral.
Aniya, nae-enjoy niya at gusto niya ang pagpupursige ng academia.
Aniya, iba-iba naman ang mga tao at kailangan lang irespeto ang isa’t isa.
“I feel like we shouldn’t judge people, especially people like me, because everyone has a different path and is unique,” aniya.
