Isa ka rin ba sa mga takot sa ipis? Yung napapatili at kumakaripas ng takbo kapag may lumilipad na ipis?
Sa Japan, isang lalaki ang muntik nang masunugan ng sariling apartment dahil lamang sa kagustuhan nitong mapatay ang isang ipis na pagala-gala sa kanyang kusina.
Nangyari ang insidenteng ito sa Kumamoto’s Chuo Ward, isang ancient complex na inilarawan ng Google bilang “one of the five wards of Kumamoto City, Japan," bandang hatinggabi ng December 10, 2023.
Read: 13-year-old binatilyo, inakalang may diperensiya noon; nagtapos ng college with perfect GPA
Bukod sa kadiri ay mabilis dumami ang mga ipis, kaya hindi tinantanan ng Japanese man ang pagi-i-spray ng insecticide sa ipis nang makita niya ito, ulat ng Japanese Newspaper na Manichi Shimbun.
Hindi pinangalanan ang lalaki pero sinasabing siya ay 54 taong gulang.
Read: Woman gets brand-new car, thanks to undamaged tumbler inside her burnt car
THE CAUSE OF EXPLOSION
Sa gigil ng lalaking mapatay ang ipis, itinodo niya ang pag-i-spray ng insecticide.
Ang hindi niya alam, ito pala ay magdudulot ng malaking pinsala sa kanyang tirahan. Yun na nga, isang pagsabog ang nangyari!
Natanggal ang bintana sa balkonahe, at maging siya ay may mga tinamong minor injuries.
Sa imbestigasyon, napag-alamang may mga nakitang marka ng pagkasunog malapit sa “kotatsu” o heating table na gumagamit ng electric heaters.
Hindi raw ito ang unang beses na nakatanggap ang Japan’s National Consumer Affairs Centre ng mga report tungkol sa ganitong klaseng pagsabog.
Sa ulat naman ng The Straits Times, tahasang sinasabing ang pag-spray ng insecticide malapit sa electrical outlets ay hindi advisable.
Nagtataglay ito ng flammable ingredients—gaya ng propane, butane, at alcohol.
Bukod pa sa epekto nito sa kalusugan.
Kaya gumamit na lang ng water-based insecticide— o di kaya, tsinelas!
Isa pang napatunayan mabisa ay ang magkaroon ng pusa. Hindi lang daga ang hindi pinapatawad ng pusa. Ipis din.