PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Star Wars Sues Chile's Star Wash

Sa Chile matatagpuan ang carwash.
Published Dec 30, 2023 | Updated Dec 31, 2023
Photos of Star Wash carwash
Ipinahihinto ng LucasFilm ang pagpaparehistro ng may-ari ng Star Wash carwash dahil baka isipin ng publikong konektado ito sa kanilang produktong Star Wars.

Idinemanda ng LucasFilm ang isang maliit na carwash na nasa dulong bahagi ng Santiago de Chile dahil sa tinatawag nitong plagiarism.

Ang LucasFilm ang kumpanya na nagmamay-ari ng Star Wars brand.

Ang pangalan ng carwash ay “Star Wash.”

Ayon kay Matias Jara, ang may-ari ng Star Wash, nasa proseso siya ng pagrerehistro ng kanyang brand sa Chilean patent office nang matanggap ang lawsuit mula sa LucasFilm.

Read: Anak niregaluhan ang ama ng sports card na ibinenta 30 years ago para masuportahan ang pamilya

Photo of Star Wash carwash

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 5 pasahero sugatan sa EDSA Busway accident; bus na sinakyan, umiwas sa sumingit na police car

Ang Lucasfilm ay isang American film and television production company na itinatag ng filmmaker na si George Lucas noong 1971 sa San Rafael, California.

Si George Lucas ay madalas mabanggit na isa sa richest—may ilan taong siya ang itinanghal na richest—personalities ng American entertainment industry.

Kilala ang kanyang kumpanya sa paglikha at pagpo-produce ng Star Wars and Indiana Jones franchises.

Sikat din ito sa paggawa ng special effects, sound, and computer animation para sa pelikula ng iba-ibang direktor.

Noong 2005, ang mayorya ng operasyon nito ay inilipat na sa San Francisco.

At ang LucasFilm mismo ay lumipat na ng pagmamayari sa Disney matapos mabili ito noong October 30, 2012.

Ipinahihinto ng LucasFilm ang pagpaparehistro ni Matias ng pangalan na Star Wash dahil baka umano isipin ng mga taong konektado ang carwash sa Star Wars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Disenyo ng Russian-made electric car prototype, naging katatawanan sa Internet

Photo of Star Wash carwash

Read: Islander Factory Outlet in Cebu closing down on New Year's Day

Nilalabanan ni Matias ang reklamo.

Aniya, ang pangalan ng kanyang carwash ay iba sa LucasFilm property.

Dagdag pa niya, hindi naman siya nagbebenta ng kopya ng Star Wars movies o ng anumang merchandize nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon naman sa ulat ng Oddity Central noong December 27, 2023, hindi kasama ang car-cleaning services sa sakop ng copyright ng Star Wars.

Read: Vase na nabili lang ng PHP220, nabenta ng almost PHP6M

Napukaw ang atensiyon ng netizens sa Star Wash dahil ang mga workers nito ay naglilinis ng mga sasakyan suot ang costumes ng iconic characters na sina Chewbacca at Darth Vader.

Maging ang font na ginamit sa Star Wash logo ay kitang-kitang kinopya sa iconic Star Wars logo.

Pero, in fairness to LucasFilm, hindi na ito binanggit sa lawsuit, ayon pa rin sa report.

Read: Lalaking hindi nasarapan sa ulam na nilagang baboy, sinunog ang kanyang bahay

Photo of Star Wash carwash

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Wish list ng batang babae kay Santa Claus, puro mamahaling gadgets; netizens hati ang opinyon

Aminado si Matias na ang lawsuit ay nakaapekto sa kanya.

Aniya, maliit lang ang kanyang negosyo, at hindi kasama sa kanyang budget ang legal fees para sa natanggap na demanda.

Ibinahagi rin niyang ang tema ng Star Wars para sa kanyang carwash ay nagmula sa wordplay na naisip ng anak na babae nang mamasyal ang pamilya sa Disneyland.

Sobrang nagustuhan ni Matias ang pangalan na Star Wash, kaya sinubukan niyang i-pursue ito bilang tema ng kanyang business—na naging matagumpay bago dumating ang demanda mula sa LucasFilm.

Desisido si Matias na harapin ang reklamo at ipagpatuloy ang operasyon ng Star Wash hangga’t wala pang desisyon ang hukuman.

Read: Bomba na dekorasyon sa isang garden, may light charge pa pala

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinahihinto ng LucasFilm ang pagpaparehistro ng may-ari ng Star Wash carwash dahil baka isipin ng publikong konektado ito sa kanilang produktong Star Wars.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results