PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Japan Airlines Crew Honored for Flawless Evacuation

The evacuation is completed in 18 minutes.
by Bernie V. Franco
Published Jan 4, 2024
burning airplane
Aviation authorities and industry experts praise the cabin crew of the Japan Airlines plane that caught fire January 2, 2024. Because of the crew's efficiency, all 379 passengers successfully exited the burning plane.
PHOTO/S: The Asahi Shimbun

Nakaligtas mula sa tiyak na kapahamakan ang 379 pasahero matapos ma-evacuate mula sa nasusunog na Japan Airlines plane sa Haneda Airport noong January 2, 2024.

Pag-landing ng Japan Airlines Flight 516, sumalpok ito sa isang coast guard plane na paalis naman, at dito nagsimulang masunog ang eroplano.

Mabilis ang pag-aksiyon ng cabin crew, na nagawang igiya ang daan-daang pasahero sa mga exits sa loob lamang ng 18 minutes—bago lamunin ng apoy ang eroplano.

Pinuri ng aviation experts at industry professionals ang "flawless" evacuation.

Sa kumalat na footage na kuha sa loob ng eroplano, makikitang sumusunod ang mga pasahero sa kung ano ang iutos ng flight crew. Una na ang iwan ang kanilang luggage at dumiretso sa emergency exit doors para makababa sa inflatable slide.

"It shows good training. And if you look at the video, people are not trying to get stuff out of the overheads,” ani John Cox, isang airline safety consultant, sa interview ng The Associated Press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“They are concentrating on getting out of the airplane."

Read: 6-year-old boy flying alone to Florida, USA, takes the wrong flight

burning airplane

Naniniwala ang experts na kung may mga pasaherong pasaway at nag-abalang kunin ang kanilang bagahe sa overhead bin, posibleng mag-cause ito ng delay at kaguluhan.

Sa ulat ng foreign news sites, binigyang-diin ang pagkakaroon ng tamang training ng flight crew sa oras ng emergency at ang pagiging “well-behaved” ng mga pasahero.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinatotohanan ito ng pasahero na nagsabi sa interview ng NHK News na nanatiling kalmado ang flight crew noong mga oras na iyon.

Read: Japanese determined to kill cockroach with insecticide blows up own apartment

JAL DETAILS EVACUATION

Sa ulat ng NHK News, nagbigay pa ng mas maraming detalye ang JAL tungkol sa "flawless" evacuation sa halos 400 pasahero ng flight sa loob ng 18 minuto.

Nag-landing ang eroplano bandang 5:47 p.m. bago ito sumalpok sa coast guard plane. Tumakbo pa ng mga isang kilometro ang eroplano bago ito tuluyang huminto.

Hindi napansin ng mga piloto sa cockpit na nagsimula nang masunog ang eroplano, pero nakita agad ito ng flight crew.

Ipinaalam agad ng pinaka-head na cabin crew sa mga piloto na nasusunog ang eroplano, at humingi ng permisong buksan ang emergency exits.

Subalit hindi ito nakatanggap ng sagot mula sa mga piloto dahil nasira na pala ang intercom system.

Napuno na ng usok ang loob ng eroplano, pero sinabihan ng siyam na flight attendants ang mga pasahero na manatiling kalmado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Batay na rin sa evacuation procedures, nagdesisyon ang cabin crew na buksan na ang emergency exits.

Pero tatlong exits lang ang nabuksan dahil naharangan na ng apoy ang limang emergency doors.

Binuksan ang dalawang exits sa pinakaharap ng eroplano at isang emergency exit sa may kaliwang bahagi ng eroplano.

Sumunod ang mga pasahero na iwanan ang kanilang mga bagahe at magtungo sa exits.

Ang plane captain ang pinakahuling lumabas ng eroplano sa oras na 6:05 p.m., o 18 minutes matapos ng pag-landing.

Sabi ng airline officials, nakaligtas ang lahat dahil sa mabilis na pag-aksiyon at pagkakalmado ng cabin crew.

Samantala, ayon sa mga opisyal, apat na runways ang sakop ng commercial airplane nang mag-land, at bahagi ng runway na iyon ay gagamitin ng coast guard plane na pa-take off ng mga oras na iyon.

Kaya naganap ang banggaan.

Inaalam pa ng mga opisyal kung may discrepancy sa communication sa pagitan ng aviation control officials at dalawang aircrafts kaya nangyari ang aksidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aviation authorities and industry experts praise the cabin crew of the Japan Airlines plane that caught fire January 2, 2024. Because of the crew's efficiency, all 379 passengers successfully exited the burning plane.
PHOTO/S: The Asahi Shimbun
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results