Naghahanda na si Prince Abdul Mateen ng Brunei at ang kanyang fiancée na si Anisha Isa Kalebic para sa kanilang magarbong royal wedding.
Thirty-two years old na si Prince Mateen, na anak ni Sultan Hassanal Bolkiah.
Si Anisha ay apo naman ni Pehin Dato Isa, na special advisor ng Sultan.
Siya rin ang owner ng fashion brand na Silk Collective.
Kasosyo naman niya ang isang kaibigan sa Authentirary, isang tourism company.
October 2023 nang ihayag ng magkasintahan ang kanilang engagement.
Ilang taon na rin silang nagde-date.
Read: Meet hunk heartthrob Prince Mateen, Brunei's version of Prince Harry

Read: Looking Back: Showbiz scandals that raised public outcry
Ang kanilang marangyang kasal ay hindi lang isang araw idaraos dahil gaganapin ito mula January 7 hanggang January 16, 2024.
Kabilang sa okasyon ang Islamic ceremony na isasagawa sa January 11.
Ang wedding reception at parada ay gaganapin naman sa Bandar Seri Begawan, ang kapitolyo ng Brunei, sa January 14.
Read: Taxi driver in Tondo becomes successful businessman in Brunei
Last December 31, 2023, ay ibinahagi ni Prince Mateen ang first portrait nila ni Anisha sa Instagram bilang couple, ilang araw bago ang kanilang 10-day wedding event.
Nilagyan niya ito ng caption na, "Wishing you all the best for 2024.”
Sa dulo ng caption ay may wedding ring emoticon.
Makikita sa photo ang dalawa na magkatabing nakatayo sa tila balkonahe.
Nakasuot si Prince Mateen ng blue suit, habang naka-white suit naman si Anisha.
Makikita rin sa picture ang malaking diamong engagement ring ng bride-to-be.
Read: Airline fires gate agent who put lone 6-year-old boy on wrong flight

Read: 13-year-old boy, pinakaunang tumalo sa Tetris ng Nintendo
Si Prince Mateen ang ikaapat na anak na lalaki ni Sultan Bolkiah, at ikasampung anak.
Siya ang madalas na kasama ng kanyang ama sa official royal engagements.
Read: Japan Airlines cabin crew praised for "flawless" evacuation of 379 passengers from burning plane

Read: Woman pregnant in each of her 2 uteruses gives birth to babies on different days
Dumalo siya sa koronasyon ni King Charles noong May 2023.
Kasama rin siya ng kanyang ama sa funeral ni Queen Elizabeth noong September 2022.
May posibilidad na maging bisita sa kasal nina Prince Mateen at Anisha sina Prince William at Kate Middleton dahil naging panauhin si Sultan Bolkiah nang ikasal ang British royal couple noong 2011.
Read: Lost wallet in 1958 returned to owner's family in 2023
