PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Jonathan the tortoise, world’s oldest living land animal

Itinuturing siyang national treasure sa St. Helena, isang British territory.
Published Jan 17, 2024
Jonathan the Tortoise before and after
(Left photo) Picture ni Jonathan the Tortoise na kinunan noong 1886, tinatayang 54 years old noon. (Right photo) Si Jonathan noong 2022. Guess how old he is now.
PHOTO/S: @globalpositivenews on Instagram

Saksi ang isang hayop sa maraming historical milestones dahil sa edad niya na 191 years old.

Sa katunayan, ang hayop na ito ang kinikilalang world’s oldest living land animal ng Guinness World Records.

Ito ay isang Seychelles giant tortoise na nagngangalang Jonathan.

Hindi tiyak kung ano ang eksaktong petsa ng kanyang kapanganakan, pero tinatayang napisa siya sa itlog noong 1832.

Ibig sabihin, mas matanda pa siya ng tatlong dekada sa ating national hero na si Jose Rizal.

Buhay na siya bago pa man naimbento ang pictures (1839), telepono (1849), at pelikula (1895).

Naabutan niyang black and white pa ang pictures at mga pelikula. At buhay pa rin siya hanggang ngayong colored na ang mga ito, at high-definition pa!

Mas nauna pa siya sa World War I at World War II.

Pumanaw na ang mga kilalang bayani, buhay pa rin si Jonathan.

Itinuturing na “national treasure” ang giant tortoise sa St. Helena, isang British territory sa South Atlantic Ocean, kung saan siya nanirahan mula noong 1882.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinatayang 50 years old na noon si Jonathan.

Iniregalo siya noon kay Sir William Grey-Wilson, na nahalal na governor sa St. Helena.

Tumira si Jonathan sa Governor's house, kung saan 31 governors na ang umupo mula noong dinala siya roon.

Jonathan the tortoise

Isa sa mga nakilala ni Jonathan ay si Queen Elizabeth II (encircled) noong kabataan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa pagiging world’s oldest living land animal, si Jonathan din ang itinuturing na oldest chelonian, ulat ng CNN.com.

Ang chelonian ay isang uri ng reptile na kinabibilangan ng mga tortoise, turtles, at terrapins.

Dahil sa kanyang edad, si Jonathan ay bulag na, hindi na makarinig, at wala nang pang-amoy.

Pero sa kabila nito, tiniyak ng kanyang veterinarian na si Joe Hollins na magana pa ring kumain ang giant tortoise.

“He is still being hand-fed once a week with a fortifying helping of fruit and vegetables by a small, dedicated team. This not only supplements his calories but provides those essential drivers of his metabolism: vitamins, minerals, and trace elements."

Ayon sa isang article sa USA Today, ang mga tortoise ay nabubuhay ng 80-150 years, pero may mga species na nabubuhay ng hanggang 255 years.

Jonathan the Tortoise

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left photo) Picture ni Jonathan the Tortoise na kinunan noong 1886, tinatayang 54 years old noon. (Right photo) Si Jonathan noong 2022. Guess how old he is now.
PHOTO/S: @globalpositivenews on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results