Binili ng Malaysian influencer na si Eriyca Baiduri ang lahat ng tiket sa isang sinehan para walang ibang manonood.
Nag-post pa siya ng TikTok video habang nasa loob ng isang hindi na niya tinukoy na sinehan noong January 3, 2024.
Sa video ay makikita si Eriyca na mag-isang nanonood habang kumakain ng popcorn.
Read: Bride, groom, 30 guests 'take control' of coffee shop and turn it into wedding venue

Read: VIRAL: Boyfriend's tarpaulin for girlfriend on 2nd monthsary
Ang kanyang caption sa video, “We are the introverted type! So, we bought all the seats.”
Makikita rin sa video na ang sinehan ay may 10 rows ng upuan.
Bawat row ay may 16 seats.
Ang post ni Eriyca ay naging mitsa ng diskusyon sa social media.
Para sa ibang netizens, napasobra yata ang kanyang pagiging privileged.
Masyado rin umano niyang ipinagyayabang ang kanyang pagiging well-off.
Ayon sa isang nagkomento, “This isn't introversion; it's showing off."
Reply dito ni Eriyca, "Even if it's true, what's wrong with that?"
Bukod sa pagiging influencer, may-ari rin si Eriyca ng isang beauty brand.
Read: 13-year-old teenager pasok bilang Louis Vuitton intern dahil sa kanyang viral sketches

Read: 4-year-old boy gifts little girl with gold bar worth PHP835K as "engagement gift"
Naka-relate naman ang ibang introverts sa ginawa ng influencer.
Komento ng isa, “If I could afford it, I would do this, too.
“I would not hear the sound of children making noise when they are unattended to by their parents or people chatting.”
Matapos namang maokray ng netizens at mag-viral ang kanyang video, nakapanayam si Eriyca ng mStar, isang Malaysian news site.
Pagbabahagi niya, kasama niyang nanood ang kanyang mister, na siyang kumuha ng video.
“I made the video caption in jest... Suddenly, it became viral, so I left it at that.”
Reaksiyon naman niya sa mga natanggap na negatibong komento, “Netizens can say whatever they want, like I'm just showing off or I'm being pretentious and claiming to be an introvert, but I'll still forgive them.”
Batay sa datos ng The Strait Times, ang presyo ng isang movie ticket sa Malaysia ay nasa PHP132 hanggang PHP418.
Read: Mickey Ears cosmetic procedure sa pets, gustong ipa-ban ng veterinarians

Read: HOT TOPIC: Babae, inokray dahil nagkakamay kumain; "unhygienic" nga ba?
Kung binili ni Eriyca ang lahat ng tiket, gumastos siya ng PHP21,000 hanggang PHP66,918.
Pero sa naturang panayam ng mStar, ipinagtapat niyang hindi totoong binili niya ang lahat ng tiket.
Sadya aniyang walang tao sa sinehan pagpasok nilang mag-asawa.
“The moment we entered the hall, we saw it was empty with not a single person.
“We were about to leave the hall but then realized that it was just me and my husband who were watching that screening.
“We didn’t actually book the entire hall. But it was the first time we had ever watched a movie in an empty cinema like that.”
Noon na rin niya naisipan na mag-post sa TikTok na binili niya ang lahat ng tiket para walang kasabay na manonood.
“It was quite fun watching netizens fight in the comments section. That's why I let things be. They're quite funny.”
Read: Parating na ba ang National ID? I-check ang status sa PHLPost tracking website
