Isang fast-food worker na walang absent sa loob ng halos tatlong dekada ang nakapagpatayo ng bahay dala ng kasipagan at loyalty.
Pero hindi ang kanyang employer ang dahilan para makapagpatayo siya ng dream house, kundi ang netizens na nahulog ang loob sa kanya.
Marami kasing netizens ang naantig sa kuwento ng empleyado kaya pinadalhan siya ng donasyon.
Ang ending, nakalikom siya ng ng $457,000 o PHP25.7 million, at this writing.
Read: PCSO head on controversial photo of lotto winner: “We’re not very good at editing…”
THE VIRAL POST
Noong June 2022, nag-viral ang video post ni Kevin Ford, empleyado sa Burger King sa U.S..
Sa maiksing video, ipinakita ni Kevin ang nilalaman ng gift bag na regalo mula sa kanyang employer matapos ng 27 years na serbisyo.
Ni minsan ay hindi nag-absent si Kevin at ni hindi rin siya nag-absent dahil sa sakit.
Ang laman ng gift bag ay isang movie ticket, dalawang ballpen, isang pack ng Reese’s chocolate, at isang Starbucks cup.
Paglilinaw ni Kevin sa interview, hindi niya kinukutya ang mga regalo sa kanya ng employer.
"I wasn't upset at all. I was grateful," aniya sa ABC7 interview.
Ngunit malinaw na na-upset ang netizens. Dala ng video, marami ang nakisimpatiya sa loyal worker.
Sinabi ng netizens: "he deserves better."
Dahil dito, naisipan ng anak ni Kevin na si Seryna Ford na gumawa ng account sa GoFundMe, isang kilalang American crowdfunding service online.
Read: VIRAL: "Extravagant" cathedral in Bohol sparks debate among netizens; turns out it is edited
Sa description ni Seryna sa ama sa GoFundMe account, nagsimula ang kanyang ama bilang isang single father na nagtaguyod ng dalawang anak hanggang magkaroon ng dalawa pang anak nang ito'y makapangasawa muli.
Ang fast-food work ni Kevin ang pinanggalingan ng pantustos ng high school at college ng apat na anak.
“My dad continues to work there," sabi ni Seryna, "because though he does look young, he is coming up on retirement age and leaving would cost him his retirement.”
Marami ang naantig sa kuwento ni Kevin at tuloy nag-abot ng tulong.
Isa at kalahating taon ang makalipas, lampas $450,000 na ang donasyong nakuha niya, kasama na ang $5,000 (PHP281,000) mula sa Hollywood comedian and actor na si David Spade.
"It's an absolute beautiful miracle of what has happened," sabi ni Kevin.
Dahil sa donasyon, nakapagpatayo na ng bahay si Kevin na malapit sa fast-food branch.
Testamento ni Kevin, ang nangyari sa kanyang buhay ay patunay na there is still goodness in this world.
"When they tell you there is no hope for humanity in the world, don't believe them... Hold me up as an example because people are beautiful," hayag niya sa interview.
