PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Woman in Pakistan gives birth to sextuplets: 4 boys, 2 girls

Woman gives birth to all six babies within one hour.
by Bernie V. Franco
Published Apr 25, 2024
Sextuplets
Once in a blue moon. A Pakistani woman gives birth to six babies (also called sextuplets) last April 19, 2024. Experts say giving birth of sextuplets is rare and is a "one in 4.7 billion" chance.
PHOTO/S: Pakistani Today website

Apat ang lalaki at dalawa ang babae—ganyan karami ang ipinanganak ng isang 27 anyos na Pakistani woman noong April 19, 2024, Biyernes.

Ang sextuplets ay isinilang sa isang ospital sa siyudad ng Rawalpindi, Pakistan.

Ang nanay na si Zeenat Waheed ay isinugod ng kanyang mister na si Mohammad Waheedsa ospital noong April 18, Huwebes. Nakaramdam na kasi ang mom-to-be ng labor pains.

Kinabukasan, nailuwal niya ang anim na supling sa loob lamang ng isang oras.

Nasa below two pounds daw ang timbang ng mga sanggol. Inilagay muna sila sa incubator habang nasa pagamutan.

Ito ang kanyang unang beses na manganak. Hindi naman binanggit sa report kung normal delivery or via caesarian section siya nanganak.

“The sextuplets and their mother are in good condition; the doctors have however put the babies in an incubator,” sabi ng medical superintendent ng ospital na si Dr Farzana sa interview ng Dawn.com, ang largest English newspaper ng Pakistan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The sextuplets in Pakistan

Read: Twins born six minutes apart in different years

Itinuturing na once in a blue moon ang pangyayaring ito.

Ayon sa isang site ng Canadian Broadcasting Corporation o CBC, ang pagkakaroon ng sextuplets na hindi ginagamitan ng fertility treatments “is extremely rare.”

Nangyayari raw ito sa "one in 4.7 billion."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At kahit pa may fertility treatment, hindi rin ito inirerekomenda dahil sa panganib na maaaring idulot nito sa ina at sa mga sanggol.

Read: Identical twins, iisa ang boyfriend; wish nila na sabay magbuntis

Malulusog daw ang anim na babies at nasa mabuting kalagayan na ang kanilang ina habang nasa ospital.

Sinabi pa ni Dr. Farzana na nagkaroon ng ilang kumplikasyon ang ina nang isinisilang niya ang mga sanggol, pero naging normal ang kanyang kondisyon makalipas ang ilang araw.

Nakahinga raw nang maluwag ang doktor at ang paramedical staff dahil nailigtas ang mag-iina.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Once in a blue moon. A Pakistani woman gives birth to six babies (also called sextuplets) last April 19, 2024. Experts say giving birth of sextuplets is rare and is a "one in 4.7 billion" chance.
PHOTO/S: Pakistani Today website
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results