Si Alejandra Marisa Rodriguez ang kinoronahang Miss Buenos Aires kaya siya ang sasabak sa Miss Argentina 2024 beauty pageant.
Ginanap ang koronasyon noong April 24, 2024.
Nag-viral si Alejandra, isang lawyer-journalist, dahil siya ang kauna-unahang 60-year-old candidate na nanalo bilang Miss Buenos Aires.
Read: Miss Universe Philippines 2024 National Costume Competition Top 3

Read: Miss Universe Philippines 2024 candidates, nasubukan ang husay sa Q & A
September 2023 noong tinanggal ng Miss Universe beauty pageant ang age limit sa mga requirements na siyang naging bataayan sa pagpili ng mga candidates simula pa noong founding year nito na 1958.
Dahil sa bagong patakaran ng Miss Universe, simula ngayong 2024, hindi na limitado sa 18 hanggang 28 ang edad ng mga babaeng puwedeng sumali, at nagbukas ang pintuan sa mga contestants na gaya ni Alejandra.
Read: Joyce Cubales, Emperatriz Elena sa Grand Santacruzan sa Malate
Miss Buenos Aires 2024's message
Tinalo ni Alejandra ang 34 candidates.
Pahayag niya matapos matanggap ang korona:
“I want to show all women that beauty has no age and that we can break barriers.
“I trained physically, worked on my confidence, and improved my skills on stage. I wanted to show that female empowerment has no limits.”
Read: Netizens tease JK Labajo about Miss Universe Philippines "deja vu" moment
MISS BUENOS AIRES 2024'S AGE
Nang unang lumabas ang mga larawan ni Alejandra bilang kandidata, naging ugat ng maninit na online debate sa Argentina ang tunay niyang edad dahil sa kanyang youthful looks.
Marami ang nag-akalang 40 years old lang siya, kaya marami ang na-shock nang malamang 60 na siya.
Read: Sophia Nicole Arkanghel, kinoronahang Miss International Queen Philippines 2024

Read: Anne Jakrajutatip, nagbabala sa mga nagpapakalat ng fake news at paninira laban sa kanya
Dahil dito, umaasa ang kanyang mga naging fans ngayong nakopo niya ang Miss Buenos Aires title na masusungkit din niya ang Miss Argentina title—ang next stage kung sakali sa journey ni Alejandra sa Miss Universe.
Ang Miss Argentina pageant ay gaganapin sa May 25, at makakaharap niya ang mga kandidata mula sa ibang Argentinian territories.
Read: MUO: Saudi Arabia is not participating in Miss Universe 2024
MISS BUENOS AIRES 2024's BEAUTY SECRETS
Nang tanungin naman kung bakit ang bata niyang tingnan sa kabila ng kanyang edad, sinabi ni Alejandra na tatlong beses siyang nagwo-walking o jogging sa loob ng isang linggo.
Nagpa-practice din siya ng intermittent fasting, at sinisikap na magkaroon ng healthy diet.
Nag-invest din siya sa skin-care creams.
Sabi niya sa New York Post, "What I try to do is intermittent fasting, I think that helps a lot. Then I try to eat organic foods, a lot of fruit, a lot of vegetables, and use good creams."
Malaking tulong din ang genes, aniya.
Divorced na at single ngayon si Alejandra.
Biro niya, baka nakatulong sa kanyang panalo ang kanyang single status.
Pero seryosong sambit niya, “I think the judges saw my confidence and my passion to represent the women of my generation.”
Read: MUO: Saudi Arabia is not participating in Miss Universe 2024
Kung siya umano ang mapipili na i-represent ang kanyang bansa, determinado siyang maiuwi sa Argentina ang korona ng Miss Universe 2024.
Paalala pa ni Alejandra sa mga kababaihan, “Beauty has no expiration date. To be beautiful, you just need to trust yourself and be authentic.”
Bukod naman kay Alejandra, gumawa rin ng ingay sa pageant world si Haidy Cruz, 47, na kakatawan sa Dominican Republic sa Miss Universe 2024 pageant, na nakatakdang idaos sa Mexico.
Read: MUPh kinondena ang online bullying kay Miss Universe Albay Elaine Bernales
