PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Guy arrested for giving low rating to Italian restaurant?

Nakaaway din niya ang restaurant owner.
by KC Cordero
Published May 16, 2024
Thailand authorities reading the complaint filed against the British guy
Ginagawang shortcut ng lalaki ang loob restaurant papunta sa kanyang apartment. Pinagbawalan siya ng owner at nagkaroon sila ng heated argument. Mula noon, bumagsak na ang rating ng restaurant. May kinalaman kaya ito sa lalaki.

Iniimbestigahan ngayon ang 21-year-old British guy na nakilala lang sa pangalang Alexander ng Central Investigation Bureau at Royal Thai Police ng Thailand.

Ayon sa ulat ng The Phuket News, isang English news company sa Thailand, nag-ugat ang pagkakaaresto kay Alexander sa naging feud nito sa may-ari ng isang Italian restaurant na hindi na pinangalanan.

Napag-alamang ginagawa niyang shortcut ang Italian restaurant paalis at pabalik sa kanyang nirerentahang apartment simula pa noong 2022.

Screenshot of the tweet about the case

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinagbawalan siya ng may-ari dahil basta lang siya dumaraan sa loob ng restaurant at hindi naman nag-o-order ng kahit anong pagkain o drinks.

Sa kalsada umano siya dapat dumaan at hindi sa loob ng restaurant.

Ayon pa sa may-ari ay nakakaistorbo si Alexander sa ibang customers.

Nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo.

Read: Woman found squatting inside grocery signage

BRITISH GUY SUSPEK SA PAGBABA NG RATING NG RESTAURANT

Mula noon, naobserbahan ng may-ari ng restaurant na ang Google rating ng restaurant nito ay bumaba—mula 4.8/5, naging 3.1/5.

Dumami kasi ang nagre-review na nagbibigay ng fake na one-star reviews sa Italian restaurant.

Nagsampa ng kasong “entering false computer data likely to cause damage to the general public” ang may-ari ng restaurant laban kay Alexander.

Suspetsa nito, ang Briton ang nasa likod ng kampanya para pababain ang ratings ng restaurant.

Kinukutsaba diumano ni Alexander ang mga kaibigan para i-flood ng negative rating ang Italian restaurant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil doon ay naapektuhan umano reputasyon at kita ng negosyo.

Read: Nanny scammed by couple who left baby under her care

BRITISH GUY ITINANGGI ANG AKUSASYON

Nailabas ang arrest warrant laban kay Alexander noong August 2023.

Walang ibinigay na detalye ang mga awtoridad kung bakit kumbinsido ang mga ito na ang Briton ang nasa likod ng pagbibigay ng negative reviews sa Italian restaurant.

Naaresto siya ng CIB sa kanyang apartment sa Bangkok noong May 9, 2024.

Binasa sa kanya ng mga awtoridad ang mga detalye ng reklamo sa kanya.

Itinanggi ni Alexander ang mga akusasyon, at sinabing inosente siya sa kasong isinampa laban sa kanya.

Kung mapapatunayang guilty, posibleng makulong siya sa loob ng dalawang taon.

Read: Family receives wrong body after father dies on vacation

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ginagawang shortcut ng lalaki ang loob restaurant papunta sa kanyang apartment. Pinagbawalan siya ng owner at nagkaroon sila ng heated argument. Mula noon, bumagsak na ang rating ng restaurant. May kinalaman kaya ito sa lalaki.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results