PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wanted man pretends to be deaf and mute to avoid arrest

Iniwan maging ang pamilya.
by KC Cordero
Published May 21, 2024
Xiao when arrested by the police
Sa loob ng 20 years ay napapaniwala ni Xiao ang mga tao na isa siyang deaf and mute scavenger. Yun pala, nagtatago siya sa batas dahil sa kasong pagpatay.

Noong May 22, 2004, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ni Xiao at ng kanyang kapitbahay sa Oumio Daying, Xiangcheng District, Xianyang, China.

Kilala si Xiao sa lugar bilang palaaway at mainitin ang ulo.

Habang nakikipagtalo, nakadampot siya ng panghukay ng lupa at hinampas ito sa ulo ng kapitbahay.

Namatay noon din ang kanyang kapitbahay.

Nang mahimasmasan si Xiao, na-realize niyang dahil sa ginawang krimen ay posible siyang makulong nang habambuhay o kaya ay mapatawan ng parusang kamatayan.

Nagdesisyon siyang tumakas at iwan ang asawa at anak, na noon ay eleven years pa lang.

Read: Nanny scammed by couple who left baby under her care

NAGTAGO, NAGPANGGAP NA DEAF AND MUTE

Nagtago si Xiao sa bulubunduking Anxi County sa Fujian Province.

Doon ay naging scavenger siya at nagbenta ng mga nahahalungkat na kalakal para lang mabuhay.

Para maitago ang kanyang dating buhay, nagpanggap si Xiao na isang deaf and mute.

Read: Cat’s eye dazzle plant sold online turns out to be fake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Xiao pretending as a scavenger

Read: Man steals identity of former co-worker for 35 years; co-worker ends up in jail, mental institution

Dahil doon, walang nakikipag-usap sa kanya, at walang nakaalam sa kanyang background.

Ngumingiti lang siya at kumukumpas sa mga tao kapag may gusto siyang sabihin sa mga ito.

Kaya sa loob ng mahabang panahon, nalusutan ni Xiao ang mga alagad ng batas na tumutugis sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero hindi rin tumigil ang mga pulis sa paghahanap sa kanya.

At para mapanindigan ang pagpapanggap bilang deaf and mute, hindi siya nagparamdam maging sa kanyang pamilya sa loob ng 20 years.

Ito rin ay para hindi siya makapag-iwan ng anumang bakas na posibleng magiging daan para ma-trace siya ng pulisya.

Read: Wife upset to discover engagement ring gifted by husband is bought with joint-account money

PAANO NABISTO SI XIAO

Nitong unang linggo ng May 2024, isinailalim sa kustodiya ng pulisya sa Anxi ang isang deaf and mute scavenger na napaaway.

Pinakawalan din naman ng mga pulis ang scavenger matapos isailalim sa imbestigasyon at kunan ng litrato para sa file ng pulisya.

Ang litrato ng deaf and mute scavenger ay ipinasa sa nationwide database ng mga lumabag sa batas.

Isang pulis na nag-upload ng larawan ng deaf and mute scavenger sa national database ang nagulat nang mag-match iyon sa old photos ni Xiao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inulit-ulit nito ang paghahambing sa dalawang larawan, at hindi maitatanggi ang malaking pagkakahawig ng wanted na si Xiao sa deaf and mute scavenger sa Fujian Province.

Read: Thief disguises himself as trash bag to steal delivery package

Agad nagpadala ng mga pulis sa Fujian Province para mag-imbestiga.

Diretsahang tinanong ang deaf and mute scavenger kung nagmula ito sa Xiangcheng District ng Xianyang, sumagot agad ito ng oo.

Hindi na rin niya itinanggi na siya si Xiao.

Xiao being questioned by the police
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ni Xiao sa mga pulis na sa loob ng 20 years niyang pagpapanggap, pakiramdam niya'y mababaliw siya.

Naiiyak din siya sa tuwing naaalala ang kanyang mag-ina.

Kaya gumaan na rin ang kanyang kalooban ngayong nahuli na siya ng mga alagad ng batas.

Handa na siyang pagdusahan ang nagawang krimen.

Dinala si Xiao ng mga pulis sa kanyang home village, at tanda pa niya ang eksaktong lugar kung saan sila nag-away ng kapitbahay.

Wala nang nabanggit kung ano ang naganap nung nakaharap niyang muli ang pamilya.

Samantala, wala naman sa hinagap ng mga taong nakasalamuha niya noong siya ay deaf and mute scavenger na isa pala siyang takas na kriminal.

Ang kuwento ni Xiao ay patunay na walang lihim na hindi nabubunyag kahit pa hindi siya nagsalita sa loob ng dalawang dekada.

Read: Family receives wrong body after father dies on vacation

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa loob ng 20 years ay napapaniwala ni Xiao ang mga tao na isa siyang deaf and mute scavenger. Yun pala, nagtatago siya sa batas dahil sa kasong pagpatay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results