Katakut-takot na aberya ang inabot ng isang air passenger nang makarating sa kanyang destinasyon.
Hinarang siya sa airport, pinagmulta ng daan-daang libong piso, at nang hindi makabayad ay kaagad siyang ipina-deport.
Ang dahilan: Nagbaon siya ng ulam na “roasted chicken and pork combo.”
Ayon sa ulat ng Australian Broadcasting Corporation kahapon, May 27, 2024, ang air passenger ay isang Indonesian national na nagbiyahe mula Hong Kong papuntang Taipei, Taiwan, noong April 30, 2024,
Pahayag naman ng Taiwanese Animal and Plant Health Inspection Agency, natuklasan ang dala niyang pagkain sa plastic container dahil naamoy ng quaratine dog.
Read: Twins separated as babies reunite; both valedictorians
Hinarang ang air passenger ng customs, at pinagmulta ng 200,000 New Taiwan dollar ($NT) o katumbas ay PHP360,000.
Walang pambayad ang Indonesian national sa laki ng multa.
Sa huli, hindi na nga niya natikman ang baon, na-deport pa siya dahil hindi nakapagbayad ng multa.
Mahigpit na ipinatutupad ng Bureau of Animal and Plant Health Inspection and Quarantine sa airport ng Taiwan ang mga preventive measures na ito para maiwasan ang pagdapo ng African swine fever (ASF) sa bansa kasunod ng outbreak sa China noong 2018.
Sa mga galing sa high-risk countries, parehong dadaan sa X-ray ang check-in at carry-on luggage.
Ang unang offense ay may multang $NT200,000 at sa pangalawang offense ay maaaring umabot ng $NT1 million (PHP1.8 million).
Read: Tail feather sold for PHP1.6M in auction
AiR PASSENGER FINED FOR CARRYING FOOD CONTAINING PORK
Hindi apektado ng ASF ang tao, subalit highly infectious ito sa domestic at wild pigs, at may 80 percent fatality rate.
Ang Taiwan ang isa sa iilang Asian countries na hindi pa apektado ng disease.
Malaki ang pinsala ng ASF sa populasyon ng mga baboy sa iba’t ibang bansa na nagresulta sa economic losses, ayon sa World Organization for Animal Health (WOAH).
At ang virus ay maaaring mabitbit hindi lang sa ulam kundi pati na rin sa pork products.
Ayon sa WOAH, "The virus is highly resistant in the environment, meaning that it can survive on clothes, boots, wheels, and other materials.
“It can also survive in various pork products, such as ham, sausages or bacon."
May iba ring bansang ASF-free na nagpapataw ng multa sa mga pasaherong hindi nagde-declare ng high-risk products, tulad ng pork at meat.
Isa na rito ang Australia na ang multa ay 6,260 Australian dollars o katumbas ay PHP241,000.
