Sa isang university sa South Korea, ginawang premyo ang mga water bottles na pinag-inuman ng mga miyembro ng all-girl K-Pop group na Oh My Girl.
Nabatikos tuloy ang organizers ng festival na ginanap noong May 22, 2024, sa Sunmoon University Daedong Festival na nasa Asan, South Chungcheong, isang probinsiya sa South Korea.
At nabahiran ang okasyon ng kontrobersiya matapos kumalat noong May 26 sa social media ang mga videos na para sa netizens ay “sexual objectification of women.”

Nag-perform sa naturang university festival ang Oh My Girl—na kinabibilangan nina Hyojung, Mimi, YooA, Seunghee, Yubin, at Arin.
Ang kanilang set ay tumagal ng 30 minuto.
Matapos ang kanilang performance, nag-imbita ang host ng mga lalaking estudyante para umakyat sa stage upang magpakita naman ng kani-kanilang talent, at may matatanggap silang premyo.
Read: Park Bo Ram died of “acute alcohol poisoning”
BOTENG ININUMAN NG OH MY GIRL, GINAWANG PREMYO
Isa sa mga male students na nagpakitang gilas ang napili ng host.
Ang magiging premyo nito—ang basyong bote ng mineral water na pinag-inuman ng mga miyembro ng Oh My Girl.
Tanong pa ng host sa male student, “Whose bottle do you want?”
Sinabi naman ng estudyante ang pangalan ng Oh My Girl member na gusto niya.
Inisa-isang tingnan ng host ang mga boteng pinag-inuman ng Oh My Girl na para bang tsini-check ang bawat label.

Pumili ang host ng isang bote at ibinigay iyon sa male student, pero ibang pangalan ng Oh My Girl member ang sinabi nitong uminom doon.
Ang intensiyon ng host ay patawanin ang audience, pero makikita sa video na maraming hindi natutuwa.
May mga sumigaw ng: “What's the point of taking that?”
Sambit naman ng iba sa audience: “That's perverted.”
Nabatikos din ang host at ang male student na tumanggap sa bote.
Read: Apink's Yoon Bomi, Black Eyed Pilseung's Rado long-term relationship revealed
HOST AND STUDENT COUNCIL APOLOGIZE
Kinabukasan, humingi ng paumanhin ang host sa Oh My Girl at sa publiko.
Paliwanag nito, “I mistakenly thought it would be a memorable gesture, but it ended up causing harm.
“Some students who participated in the talent show expected different prizes, and they were surprised to receive Oh My Girl's water bottles.”
Dagdag pa ng host, “This happened due to my poor judgment, so please criticize me, not the students.”
Ang student council, na siyang nag-organisa sa festival, ay naglabas din ng statement sa pamamagitan ng social media.
Ayon sa statement: “We apologize to those who felt uncomfortable and were affected by the inappropriate proceedings at the festival.”
Ang insidente umano ay “unplanned action” ng host at hindi iyon napagkasunduan ng university at maging ng mga performers.
Dagdag pa ng student council, “We sincerely apologize to Oh My Girl and their fans for the unexpected incident that occurred after the performance.”
Gayunpaman, hindi napatahimik ng paghingi ng apology ng host at ng student council ang ingay ng netizens sa social media na patuloy ang pagbatikos sa insidente.
Nagkakaisang komento ng netizens, “This is clearly sexual harassment.”
Tanong ng isa, “What kind of mindset do you have about idols and women to do something like that?”
May nagtanong din kung ganito na lang ba ang level ng mga festival sa mga unibersidad ngayon? Masyado raw low-class.
Sambit naman ng isa pa, “This isn't even a fetish, I don't understand why this happened.”
Mahigpit ang South Korea sa pagpapatupad ng batas laban sa sexual harassment.
Sa depinisyon ng kanilang Supreme Court, ang sexual harassment ay "an act againts the public sexual morals, objectively incurring sexual humiliation or disgust to normal people."
Kaya para sa kanila, ang pagbibigay ng boteng ininuman ng all-girl group ay pasok sa depinisyon na ito.
Read: Francine Diaz apologizes for mispronouncing K-pop group TXT's name at ASEA
OH MY GIRL'S pREVIOUS EXPERIENCE in UNIVERSITY FESTIVAL
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakaranas ang Oh My Girl ng unpleasant situation sa university festival.
Noong 2016, nung mag-perform sa stage ng Daegu University festival, nabastos sila ng isang lalaki sa audience.
Noong time na yun, may mga menor-de-edad pang miyembro ang girl group, at may mga middle school and high school students na nanood din sa festival.
Isang estudyante ang nag-post sa social media ng pambabatikos sa lalaking nambastos.
Maraming estudyante ng Daegu University ang nagpahayag din ng pagkadismaya sa insidente.
Nangako noon ang WM Entertainment, ang agency ng Oh My Girl, na gagawa ito ng mga hakbang para mas maprotektahan ang girl group sa anumang uri ng pambabastos.
Pero matapos ang walong taon, nag-viral muli ang girl group dahil ulit sa isang insidente na naganap sa isang university festival.
Read: TWICE's Chaeyoung and Zion T. confirmed to be in relationship
