PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Giant python eats woman in Indonesia; 5th case since 2017

“The villagers then searched...they soon spotted a python with a large belly.”
by Bernie V. Franco
Published Jun 10, 2024
giant snake, men cutting snake open
This weekend, local officials in Kalempang Village, Indonesia, reported that a female villager went missing and was later discovered inside the belly of a giant python.
PHOTO/S: enginakyurt on Pexels

Isang ginang ang natagpuang patay sa loob mismo ng tiyan ng isang dambuhalang ahas sa Indonesia.

Iniulat ang insidente ng local officials ng Central Indonesia nito lamang Sabado, June 8, 2024.

Nadiskubre ang katawan ng biktima sa tiyan ng ahas noong Biyernes.

Para sa mga residente, hindi na kataka-taka ang insidenteng ito dahil panlima na ito simula noong 2017.

Lahat ng biktima ay kinain nang buo ng mga ahas.

Read: Man recalls being “eaten alive” by anaconda in 2014

Ulat ng AFP, ang ginang na may apat na anak ay naiulat na nawawala noong Huwebes ng gabi sa Kalempang Village, Suwalesi province.

Dahil dito, nagsagawa ng search mission ang mga residente kasama ang mister, na siyang nakakita ng mga naiwang gamit ng misis niya.

“The villagers then searched the area. They soon spotted a python with a large belly,” sabi sa AFP ng village head na si Suardi Rosi.

Isang reticulated python ang kanilang natagpuan. May haba itong limang metro o 16 feet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkasundo ang mga residente na buksan ang python, at ang unang tumambad sa kanila ay ang ulo ng biktima, na suot-suot pa rin ang kanyang damit.

Kinilala ang biktima bilang si Farida, 50.

Read: Kilalanin: Ian Florentin, ang Cobra Prince ng San Pablo, Laguna

python
Photo/s: Diego Madrigal via Pexels

Ayon sa Daily Mail, ang ginang ay nagpunta sa local market para magtinda ng pagkain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaki ang posibilidad na inatake ito ng dambuhalang ahas habang dumadaan sa kakahuyan papunta sa palengke.

Sa five-minute video na ipinost ng Dail Mail, makikita ang pagdakip ng mga residenteng kalalakihan sa dambuhalang ahas sa masukal na gubat.

Ipinakita rin dito ang pagbiyak nila sa ahas, at ang naka-blur na hitsura ng biktima.

Kasama sa ipinakita sa video ang pagbalot sa biktima ng kumot at pagbitbit dito pabalik sa village.

Ang reticulated python ay isa sa mga pinakamahabang ahas sa mundo at inilarawan bilang “aggressive.”

Read: Snake bites man in Bohol; man bites back and kills snake

GIANT PYTHONS AND SIMILAR INCIDENTS IN THE PAST

Nitong mga nakalipas na taon, may apat na kaso ng pag-atake ng mga reticulated pythons sa mga residente sa Indonesia.

Noong 2023, napatay ng mga residente ng Tinanggea, Southeast Sulawesi, ang isang 26-foot python matapos makitang inaatake nito ang isang magsasaka.

Noong 2022 ay napaulat ding pinatay at kinain ng isang python ang isang babae sa Jambi, Indonesia.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Taong 2018 naman nang iniulat na natagpuan sa loob ng isang python ang katawan ng isang 54-anyos na babae, na bigla na lang nawala matapos pumunta sa kanyang mga pananim.

Noong 2017 naman nadiskubre ang katawan ng isang magsasaka sa loob ng 13-foot python sa taniman ng kopra.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This weekend, local officials in Kalempang Village, Indonesia, reported that a female villager went missing and was later discovered inside the belly of a giant python.
PHOTO/S: enginakyurt on Pexels
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results