Isang babae ang nag-order ng 16 large pizzas sa PizzAroma, isang pizza shop sa Maumee, Ohio, USA, last May 7, 2024.
Ang walo sa malalaking pizza ay cheese, at walo rin ang pepperoni.
Sabi ng babae ay kinabukasan, May 8, niya ipi-pick up ang mga pizza.
Read: VIRAL: Chinese guy eating burger packed with mealworms

Read: Bride and groom ask wedding guests to pay for the food
Ayon sa manager ng PizzAroma na si Rocky Keefer sa news item na nalathala sa Fox News last June 5, hindi niya inakala at ng kanyang staff na may kakaiba tungkol sa order ng babae.
Kinabukasan ay tumawag pa ang babae at nagtanong kung anong oras nito puwedeng makuha ang kanyang order.
Sinabi ni Robert sa babae na nasa oven na ang mga pizza, at ready na pagsapit ng alas dos y media ng hapon.
Read: Why tourists flock to Benten Mountain in Japan
UNCLAIMED PIZZAS
Ang 16 na pizza ay nagkakahalaga ng US$112 o PHP6,576.25.
Pero sumapit ang nakatakdang oras para kunin ang pizza, hindi dumating ang babae.
Ilang oras pa ang lumipas, wala pa rin ni anino ng babaeng nag-order, at lumamig na ang mga pizza.
Read: Blind dating cafe draws flak for favoring men in its set-up

Read: Burger bought in 1995 remains intact
Naantala rin maging ang order ng iba pang customers dahil sa oras na ginugol para pa-prepare ng pizza shop ang mga inorder ng babae.
Nang i-trace ng PizzAroma ang phone number ng babae, natuklasang naka-link iyon sa isang app na pinapayagang gumawa ang mga tao ng prank calls gamit ang fake number.
Ayon kay Robert, hindi siya makapaniwalang nangyari iyon sa kanyang store lalo pa at tiniyak nilang maayos ang pagkakagawa sa mga pizza at ready na ang mga iyon para ma-pick up ng babae sa itinakdang oras.
Himutok niya, “I just don't understand why people can do that to somebody.”
Read: Boyfriend ayaw ilibre ng food ang family ng girlfriend, tinawag na ungrateful
LOCAL BUSINESSMAN TO THE RESCUE
Ibinahagi ng PizzAroma sa social media accounts nito ang tungkol sa insidente.
Nakarating iyon sa kaalaman ni Travis Truesdell, isang local business owner, at ito na ang nagbayad para sa mga pizza.
Si Travis ay isang U.S. Army veteran at may-ari ng True Aerial Signs sa Toledo.
Bukod sa pagbabayad sa bill ng hindi kinuhang pizza ng prankster, bumili pa si Travis sa PizzAroma ng karagdagang pizza pies na pinagsalu-saluhan ng kanyang mga empleyado.
Read: Meet Devoney Scarfe, amazing pie artist
NEVER PRANK BUSINESSES
Nang makapanayam si Travis ng media, sinabi niyang nauunawaan niya kung gaano kahirap para sa maliliit na negosyo na kumita, kaya siya umalalay sa PizzAroma.
Aniya, “Doing the right thing is so easy, and it really makes a difference to other people.”
Dahil naman sa insidente, binago na ng PizzAroma ang polisiya nito sa pagkuha ng order ng mga tumatawag na customer.
Kung 10 pizzas o higit pa ang io-order, kailangang magbayad na agad—either online o personal na magpupunta sa shop.
Read: Guy arrested for giving low rating to Italian restaurant?
Umaasa naman si Robert na sa ipinakitang act of kindness ni Travis ay magpapatuloy ang pagiging mapagmalasakit ng mga tao sa isa’t isa.
At sana’y huwag tularan ang ginawang prank ng babae.
Ayon sa isang netizen na nag-share ng post tungkol sa insidente, kung mga anak niya ang nag-order ng pizza at niloko lang ang shop ‘tapos ay matutuklasan niya, malilintikan ang mga ito sa kanya.
“They be paying that back out of their own pocket or working for free in that man’s restaurant until it’s paid off.”
Paalala pa nito sa mga parents, “Teach your children better.”
Read: City Heights Cafe offers coffee and picturesque view of Mt. Mayon
