PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Passenger tied to seat while in-flight faces PHP4.8M lawsuit

The flight crew also put duct tape on her mouth
by Bernie V. Franco
Published Jun 18, 2024
American Airlines plane and Heather Wells
The Federal Aviation Administration filed a case versus the unruly female passenger who started hitting and threatening crew members and passengers while in-flight in 2021.
PHOTO/S: @not_thecaptain102 on Instagram / X

Aabot ng $82,000 o katumbas ay PHP4.8 million ang posibleng maging multa sa babaeng itinali at nilagyan ng duct tape sa bibig habang sakay sa eroplano noong 2021.

Pero bakit ang babae pa ang inirereklamo kung siya na ang itinali sa upuan at tinapalan ng duct tape sa bibig?

Dahil ang Texas woman na kinilalang si Heather Wells, ay nagwala at nanakit habang sakay ng isang business-class flight ng American Airlines noong July 2021.

Kinasuhan siya ng Federal Aviation Administration (FAA) dahil sa kanyang naging violent behavior habang nasa isang flight.

Ang FAA, na sangay ng Department of Transportation ng U.S. government, ang siyang nagre-regulate ng civil aviation ng Amerika.

Divided sa tatlong civil penalties ang kaso laban kay Heather: multang $45,000 (PHP2.6 million) para sa pagbabanta at pananakit sa flight crew at ilang pasahero, $28,000 (PHP1.6 million) sa tangkang buksan ang cabin door habang lumilipad ang eroplano, at $9,000 (PHP527,000) dahil sa panghihimasok sa trabaho ng crew members na naka-duty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Two men exchange punches over plane seat while midair

PASSENGER EXHIBITED UNRULY BEHAVIOR IN-FLIGHT

Noong July 2021, lumipad si Heather mula Dallas/Fort Worth International Airport, papuntang Charlotte Douglas International Airport sa North Carolina, ayon sa complaint ng Western District of Texas na isinumite sa U.S. District Court noong June 3, 2024.

Dalawa at kalahating oras ang tagal ng naturang flight.

Makalipas ang isang oras habang nasa biyahe, humingi ang female passenger ng alcoholic drink, specifically whiskey, sa crew member.

Hindi nabanggit sa report kung binigyan si Heather ng hinihingi niya, pero lumalabas na nakainom siya.

Ang sumunod daw ay nagwala ito sa sinasakyang eroplano, ayon sa complaint.

Tumayo raw ito mula sa kinauupuan at tumakbo papuntang dulo ng eroplano.

Nadapa raw ito at nagsabi-sabi siya at pinagsasabihan ng kung anu-ano ang ibang mga pasahero.

Lumapit sa kanya ang isang male crew member para pakalmahin, pero pinagsabihan niya ito ng hindi maganda at binantaang sasaktan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagwala ang pasahero at itinulak pa umano ang flight attendant.

Nagtungo ang pasahero sa unahan ng lumilipad na eroplano at tinangkang buksan ang front cabin door “while screaming and yelling profanities,” ayon sa complaint.

Pinagtulungan siyang pigilan ng dalawang crew members at isa pang pasahero.

Dahil sa struggle, makailang ulit tinamaan ng nag-aamok na pasahero sa ulo ang isa sa flight attendants.

Nagawang maiupo sa kanyang upuan ang pasahero na patuloy sa pagwawala. Kaya napilitan ang mga umaawat na itali siya sa kinauupuan gamit ang duct tape at flex cuffs.

Hindi pa rin kumakalma ang pasahero at sa lahad ng complaint “continued to kick and spit and attempted to bite and head-butt a flight attendant and passengers.”

Dito na nilagyan ng duct tape ang kanyang bibig para mapigilan sa pag-iingay.

Nangyari lahat ito habang lumilipad ang eroplano.

Heather Wells tied with duct tape, unruly passenger
Heather Wells was tied to her seat for her unruly behavior while in-flight in 2021.
Photo/s: X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang mag-landing ang plane sa destinasyon, nakawala ang pagkakatali ng paa ng pasahero at tuloy-tuloy ang pagsipa hanggang masira ang upuan sa kanyang harapan.

Nang makalabas ang lahat ng pasahero, sinaksakan ng sedative ang nagwawalang pasahero para maibaba siya.

At nito ngang June 3, 2024 ay isinumite ng FAA ang kaso laban sa female passenger.

Read: Passenger nearly removed from flight for not wearing a bra

UNRULY PASSENGERS ON THE RISE

Ang kasong isinampa laban sa Texas female passenger ay hakbang ng FAA para masupil ang tumataas na kaso “unruly passengers”, ayon mismo sa official statement ng FAA.

Ipinost ang FAA official statement sa kanilang website noong June 12, 2024.

Babala ng FAA, “Travelers will pay for misbehaving. The FAA implemented a Zero-Tolerance Policy on Jan. 13, 2021 after seeing a disturbing increase in cases, issuing fines instead of warning letters or counseling.”

Ipatutupad nila ang “legal enforcement action” laban sa mga pasaherong “who assaults, threatens, intimidates, or interferes with airline crewmembers.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aabot daw ng hanggang $37,000 (PHP2.1 million) ang civil penalties kada violation.

Ayon sa statement, umabot sa 915 kaso ng “unruly passengers” mula January 1, 2024 hanggang June 9, 2024, kabilang ang “106 cases of passenger disturbances due to intoxication.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Federal Aviation Administration filed a case versus the unruly female passenger who started hitting and threatening crew members and passengers while in-flight in 2021.
PHOTO/S: @not_thecaptain102 on Instagram / X
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results