PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Student caught using AI to cheat during entrance exam

Napaka-sophisticated ng cheating devices niya!
by KC Cordero
Published Jun 19, 2024
Police escorted the student who cheated in university entrance exam
Arestado ang isang Turkish university candidate matapos mahuling nagtsi-cheat gamit ang AI-powered system na kayang sagutan ang entrance exam in real time.

Nitong June 8, 2024, libu-libong high-school graduates sa Turkey ang kumuha ng Basic Proficiency Test (TYT).

Ang TYT ang unang session ng Higher Education Institutions Examination (YKS) sa Isparta, isang city sa western part ng Turkey.

At lumikha ng malaking balita ang isang estudyante, na kinilala lang ng Turkish media sa initials na M.E.E., dahil nahuli siyang nagtsi-cheat during the exam.

Caught in the act si M.E.E. na gumagamit ng internet connection, isang nakatagong camera, at ng artificial intelligence (AI)-powered software na kayang magbasa ng mga tanong sa exam at magkaloob ng mga sagot in real time.

Read: Employee takes home pay for 20 years doing nothing; sues company

How the student was caught in the act of cheating

During the exam, mahahalatang balisa si M.E.E.

Ayon sa ulat ng iba’t ibang Turkish media outlets, napansin ng mga supervisors ang kakaibang kilos niya at parang laging may ibinubulong sa sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang lapitan nila ang estudyante, ang unang napansin ay ang maliit na headset na nakasaksak sa kanyang tainga.

Agad siyang pinalabas sa exam hall at dinala sa mga pulis.

Matapos ang masusing pag-inspeksiyon, nadiskubre ang mga ginamit niyang devices sa cheating.

Read: Terminated employee exacts revenge; deletes company servers

CHEATING PARAPHERNALIA

Bukod sa headset, may maliit na camera na naka-plug in sa smartphone, na konektado sa isang AI-powered system, na kayang basahin at sagutan ang mga tanong sa test.

Naririnig ni M.E.E. ang mga sagot sa headset.

The gadgets used by student in cheating
Ang mga gadgets na ginamit ng estudyante na nakakonekta sa AI-powered system. Photo: Ihlas News Agency
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa ulat ng Turkish media, ang pandarayang ginawa ni M.E.E.—gamit ang artificial intelligence—ang unang kasong naitala sa university entrance exam.

Bagaman at hindi pa isinasapubliko ang buong detalye ng system na ginamit ni M.E.E., iniulat ng Isparta Police Department na itinago ang maliit na router sa lining ng kanyang sapatos para maipuslit iyon sa control point ng exam hall.

Police showing how the gadgets were concealed by the student
Ipinaliwanag ng isang pulis kung paano naipuslit ng estudyanteng nag-cheat sa university entrance exam ang mga ginamit nitong gadgets. Photo: Ihlas News Agency
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang maliit na smartphone ay nailusot niya dahil idinisenyo iyon ni M.E.E. na parang credit-card holder.

Ang high-definition camera at ang maliit na headset ay ikinabit naman sa kanyang damit na parang mga butones.

Hindi tinukoy ng pulisya ang AI service na ginamit ni M.E.E., pero sa pag-aanalisa ng ilang Turkish news outlets, lumalabas na isa itong platform powered by ChatGPT.

Read: Silver necklace stops bullet, man survives gunshot

STUDENT BANNED FROM TAKING UNIVERSITY ENTRANCE EXAM FOR TWO YEARS

Ang pandaraya sa university exams ay isang malaking krimen sa Turkey kaya malaki ang posibilidad na mabilanggo si M.E.E.

Banned din siya sa pag-take ng university entrance exam sa loob ng dalawang taon.

Ang magiging kaparusahan sa ginawa niya ay magsisilbing babala sa mga estudyanteng mag-a-attempt ng mag-cheat.

Kung ang ginugol niyang panahon para buuin ang cheating devices ay ginugol na lang niya sa pagre-review, hindi sana umabot sa ganitong sitwasyon si M.E.E.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Man in Cebu City attacks 3 girls for being pretty

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arestado ang isang Turkish university candidate matapos mahuling nagtsi-cheat gamit ang AI-powered system na kayang sagutan ang entrance exam in real time.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results