PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dad jailed for death of young son he force-fed with chilli

The father is sentenced to eight months in prison.
by Bernie V. Franco
Published Jun 21, 2024
Child discipline
A father disciplines his four-year-old son by making him eat the tip of a chili, which goes into the child's airway, causing his death. (Photo used for illustration purpose only)
PHOTO/S: Monstera Production via Pexels

Up to what extent ang pagdidisiplina ng mga magulang sa anak?

Isang ama ang lubos na nagsisisi dahil ang paraan niya ng pagdidisiplina ang naging sanhi ng pagkamatay ng kanyang anak.

Puwersahan niyang pinakain ng piraso ng sili ang apat na taong gulang niyang anak dahil nagsinungaling.

Pero ang piraso ng sili ay bumara sa air passage ng bata. Nawalan ito ng malay at namatay.

Noong Mayo 30, 2024, nag-plead ng guilty ang ama sa korte sa Singapore dahil sa kanyang rash act.

Sinentensiyahan siya ng walong buwang pagkakakulong, ulat ng The Straits Times.

Hindi na pinangalanan ang ama at ang kanyang anak para sa kanilang proteksiyon, lalo pa't may tatlo pang younger siblings ang biktima.

Nangyari ang insidente sa mismong bahay ng mag-ama noong August 2, 2022.

Napansin ng ama na dumumi ang kanyang anak dahil sa amoy.

Ang turo sa bata ay magsabi kapag kailangan niyang gumamit ng toilet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong ng ama ang bata kung dumumi ito sa kanyang suot na damit, pero hindi umamin ang bata.

Nagdesisyon ang ama na disiplinahin ang kanyang anak.

Kumuha ang tatay ng sili sa refrigerator at pumutol ng maliit na bahagi sa dulo.

Salaysay ng deputy public prosecutor sa korte, sinabihan ng ama ang anak nitong kainin ang kapirasong sili, pero tumanggi ang bata na nakahiga sa sahig. Umupo ang sa tabi ang anak, saka ipinasok ang sili sa bibig ng bata.

“After the accused felt that his fingers had moved past [victim’ s] teeth, he released the chilli tip,” lahad ng deputy prosecutor.

Tumayo ang bata, nagtatakbo, at itinuturo ang lalamunan nito. Nagsuka ito at nag-collapse.

Kumilos agad ang ina at nag-perform ng Heimlich maneuver sa anak para mailabas ang sili, pero nabigo ito.

Ipinasok ng ama ang mga daliri at kinapa ang bibig ng bata para tanggalin ang anumang bara, pero wala siyang nakuha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
red chilli
The father took a small part of the chilli and forced his kid to eat it as a form of disciplinary action for not telling the truth.
Photo/s: Tom Swinnen via Pexels

Read: Twin sisters marry twin brothers

Agad dinala ang anak sa pinakamalapit na family clinic.

Nakita ng doktor na hindi humihinga ang bata. Wala rin itong pulso.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagptawag siya ng ambulansiya sa staff, at nag-perform ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) sa bata.

Kinapa rin nito ang bibig ng bata para sa anumang bara, pero wala siyang nakita.

Dumating ang ambulansiya at isinugod ang bata sa Sengkang General Hospital. Idineklarang patay ang bata dakong 3:10 P.M.

Sa isinagawang autopsy, nakumpirmang namatay ang bata dahil sa “acute airway obstruction by foreign body”.”

Natagpuan sa airway ng bata ang piraso ng sili na may sukat na 10mm x 15mm x 8mm.

Read: Promil kids all grown up: Gifted children 30 years later

DAD JAILED FOR SON'S DEATH REGRETS WHAT HAPPENED

Nais ng prosecutor na makulong ang tatay sa loob ng 12 months o isang taon.

Pero hiningi ng abogado ng nasasakdal na bawasan ito at gawin itong pitong buwan sa depensang ang inasal ng tatay “cannot be said to be high.”

"We have testimonials from his wife and family that he is a loving father to all his children," sabi ng abogado ng ama na si Taufiq Suraidi sa ulat ng Channel News Asia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi pa ng abogado na “devoted family-oriented man” ang kanyang kliyente na inuuna ang interes ng kanyang mga anak.

Dagdag pa nito, ang nasasakdal ay “not an abusive father” batay sa testimonya ng kanyang pamilya, at wala ring nakitang senyales sa autopsy ng bata na sinaktan ito.

Sinabi rin ng abogado na may isinagawang "precaution” ang ama dahil maliit na piraso lamang ng sili ang ipinakain nito sa anak.

"All this shows that his sole intention in disciplining his son was only to teach him that lying is not a behaviour that should be carried out," ani Taufiq.

Labis daw pinagsisisihan ng ama ang kanyang nagawa at na-diagnose itong may “major depressive disorder” matapos ang insidente.

Sinabi naman ng judge na ang pangyayari ay “indeed a sad case.”

Hayag nito sa nasasakdal, “It could have been prevented if you did not adopt such a method to discipline your child.

"This method of disciplining a vulnerable victim, or any such method should be discouraged at all costs."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A father disciplines his four-year-old son by making him eat the tip of a chili, which goes into the child's airway, causing his death. (Photo used for illustration purpose only)
PHOTO/S: Monstera Production via Pexels
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results