Sumakabilang-buhay na ang award-winning Canadian actor na si Donald Sutherland nitong Hunyo 20, 2024.
Siya ay 88.
Read: Sunshine Guimary devastated over death of husband of two years
Kinumpirma ng kanyang anak at kapwa aktor na si Kiefer Sutherland ang pagpanaw ng beteranong aktor sa pamamagitan ng social media platforms.
Nakasaad sa mensahe ni Kiefer: “With a heavy heart, I tell you that my father, Donald Sutherland, has passed away. I personally think one of the most important actors in the history of film.
“Never daunted by a role, good, bad or ugly. He loved what he did and did what he loved, and one can never ask for more than that. A life well lived.”

Matagal nang may karamdaman si Donald pero hindi na inilahad ng kanyang pamilya ang tunay na dahilan ng pagpanaw niya sa Miami, Florida.
Namatay si Donald bago pa man lumabas ang kanyang memoir na may pamagat na Made Up, But Still True.
Read: Former Promil kid CJ de Silva passes away at 36
DONALD SUTHERLAND'S ACTING CAREER
Nag-umpisa ang acting career ni Donald noong 1957.
Kinilala ang kanyang husay sa pag-arte sa halos pitong dekada ng pagiging aktor niya.
Ang M*A*S*H*, Ordinary People, Citizen X, at The Undoing ang ilan sa mga proyekto ni Donald na nagpamalas ng kanyang galing sa pag-arte.
Nakilala si Donald ng millennials dahil kay President Snow, ang karakter na ginampanan niya sa The Hunger Games movie franchise.
Dalawang Golden Globe awards at isang Primetime Emmy award ang ilan sa mga natanggap na pagkilala ni Donald.
Itinuturing bilang isa sa mga pinakamahusay na aktor, hindi nagkaroon ng nominasyon sa Academy Award si Donald. Pero pinagkalooban siya ng Academy Honorary Award noong 2017.
HOLLYWOOD STARS PAY TRIBUTE TO DONALD SUTHERLAND
Kabilang sa nagbigay-pugay kay Donald ay ang beteranang aktres at activist na si Jane Fonda.
Sa mensahe ng kanyang pakikiramay, ikinuwento ni Jane na nagkasama at nagtanghal sila ni Donald noong 1971 sa anti-Vietnam war tour na kinabibilangan ng mga Pilipinong sundalo.
Mensahe ng aktres: "I am stunned to hear that Donald Sutherland has died. He was my fascinating co-star in Klute and we loved working together.
"In this photo we are on the Klute set with director Alan Pakula. Donald was a brilliant actor and a complex man who shared quite a few adventures with me, such as the FTA Show, an anti-Vietnam war tour that performed for 60,000 active duty soldiers, sailors, and marines in Hawaii, Okinawa, the Philippines, and Japan in 1971. I am heartbroken."
View this post on Instagram
Nagbigay-pugay rin ang iba pang nakatrabaho ni Donald sa Hollywood: