PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Woman files complaint vs BF who failed to take her to airport

Woman claims boyfriend breached their "verbal contract."
by Bernie V. Franco
Published Jun 24, 2024
woman carrying a trolley at the airport
A woman from New Zealand argued that her boyfriend breached their agreement to take her to the airport and look after her house and dogs.
PHOTO/S: Gustavo Fring on Pexels

Nagwakas ang higit anim na taong relasyon ng magkasintahan matapos magsampa ng reklamo ang babae laban sa kanyang boyfriend.

Nag-ugat ang hidwaan ng New Zealnder couple dahil hindi raw tinupad ng lalaki ang pangako niya sa babae na ihatid siya sa airport.

Bunsod nito, naiwan ang babae ng kanyang flight sa pupuntahang concert kasama ang mga kaibigan.

Inakusahan ng babae ang lalaki ng paglabag sa kanilang “verbal contract.”

Tumango raw ang lalaki na bukod sa ihahatid ang girlfriend sa airport, babantayan din ang bahay at ang dalawang aso ng babae habang wala siya.

Sa Disputes Tribunal ng New Zealand mababasa ang kaso bilang legal document. Less formal ito kesa sa korte at tinatalakay rito ang mababang uri ng reklamo para mas mabilis maresolba.

Also known as smaller claims court, hindi kailangan ng mga abugado at husgado rito, pero may referee na susubukang pag-ayusin o mag-areglo ang dalawang panig.

woman sitting on trolley at the airport

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Woman files complaint vs boyfriend for breach of verbal agreement
Photo/s: Anna Shvets on Pexels
Read: Teen crochets prom dress inspired by Zendaya gown in 3 days

Naitala ang reklamo ng babae nitong Marso 2024, pero kamakailan lamang ito na-publish sa Disputes Tribunal website.

Read: Meet crowd-favorite Ervina Flores, PWD gay queen in Cavite

WOMAN'S COMPLAINT VERSUS BOYFRIEND

Initials lamang ng babae (CL) at lalaki (HG) ang nakalagay sa legal document.

Sabi rito, isang araw bago ang flight, inabisuhan ni CL ang boyfriend na sunduin siya at ihatid sa airport between 10:00 A.M. – 10:15 A.M. Hindi siya sinundo ng lalaki.

Dahil na-miss ng babae ang kanyang flight, kinailangan niyang magdagdag ng bayad para sa flight kinabukasan. Dinala rin niya ang kanyang mga aso sa kennels para maalagaan habang wala siya.

Nagbayad din daw siya ng extra para sa shuttle service sa airport.

Binanggit din ng babae na noong magbakasyon sila noong December 2023 para bisitahin ang kanyang dalawang anak, siya ang nagbayad ng pamasahe ng boyfriend sa ferry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nais daw niyang bayaran siya ng lalaki sa pagsagot sa pamasahe.

Tiningnan ng tribunal referee kung may kontrata ang dalawa kung saan nakasaad na ihahatid ng lalaki ang babae sa airport at babantayan ang bahay at mga aso nito.

Inusisa rin kung may kontrata na nagsasabing babayaran ng lalaki ang sinagot na pamasahe ng babae.

Sa huli, ibinasura ng tribunal ang kaso.

Sabi ng tribunal, para magkaroon ng pananagutan, “there needs to be an intention to create a legally binding relationship.”

Sabi ni Krysia Cowie, tribunal referee, "Partners, friends and colleagues make social arrangements, but it is unlikely they can be legally enforced unless the parties perform some act that demonstrates an intention that they will be bound by their promises."

Dagdag niya pa, “the nature of the promises were exchanged as a normal give and take in an intimate relationship.”

Pagtatapos ng referee sa dokumento, "As I have found that the parties made their agreement in the context of their friendship, CL has not shown she is entitled to the order that she seeks and her claim is dismissed."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A woman from New Zealand argued that her boyfriend breached their agreement to take her to the airport and look after her house and dogs.
PHOTO/S: Gustavo Fring on Pexels
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results