Sa trabaho, madalas ma-encounter ang “official business only” bilang paalala na hindi puwedeng for personal use ang anumang bagay na pag-aari ng pinagtatrabahuan.
Ito ang lesson learned para sa isang police lieutenant na ginamit ang city security cameras para hulihin ang kanyang diumano'y nangangaliwang misis.
Dahil sa ginawa ng lieutenant, na-demote siya at pinatawan pa ng probation.
Minanmanan kasi ni dating Lt. Ryan Terrell ng North Charleston Police sa South Carolina, U.S.A., ang kanyang misis dahil sa suspetsang may affair ito.
Ang pinaghihinalaan pa ni Ryan na kalaguyo ng misis ay ang kasamahan niyang police, isang sergeant.
Nag-espiya si Ryan gamit ang security cameras ng City of North Charleston, ayon sa South Carolina Criminal Justice Academy Notice of Disciplinary Action.
Read: BDO depositor reveals who's behind missing PHP345K

Sa mga news reports, binanggit na ilang police officers ang nakipag-ugnayan sa Office of Professional Standards noong April 11, 2024 ukol sa ginawa umanong banta ni Ryan sa isang sarhento.
Noong araw din iyon, nabisto kasi ni Ryan ang relasyon ng kanyang asawa sa nasabing sarhento.
Pero taliwas sa inireport ng police officers, sinabi ng misis ni Ryan at ng pinagsuspetsahang kalaguyo na hindi sila binantaan.
Kaya inatasan ng chief of police ang Office of Professional Standards na imbestigahan ang tatlong taong sangkot sa isyu, ulat ng Live 5 News WCSC nitong June 25, 2024.
Dito nga natukoy na hindi naman binantaan ni Ryan ang asawa at ang sarhento, pero sinabihan ni Ryan ang misis nito na kapag nahuli nitong may relasyon sa sarhento, ay makukulong ang huli.
Read: Man dies from cardiac arrest after casino jackpot win?
POLICE OFFICER RYAN USED CAMERAS TO SPY ON WIFE
Sa imbestigasyon, idinahilan ni Ryan na ginamit niya ang kanyang access sa security cameras dahil inalala umano niya ang kapakanan ang asawa.
May access si Ryan sa city security cameras dahil siya ang in charge sa technology unit, kabilang na ang centralized security and operating system sa siyudad.
Lumabas din sa disciplinary action report na maraming ulit na ginamit ni Ryan ang security cameras, kasama na rito nang mahuli niyang magkasama ang misis at sarhento, sa isang department store.
Sinubaybayan ni Ryan ang kanyang asawa sa pamamagitan ng live video feed ng security cameras.
Dahil sa paggamit ng security cameras, na-demote si Ryan sa posisyong master patrol officer.
Bukod pa rito binigyan siya ng six-month probation period, tinanggalan ng access sa security system, at inilipat pa sa patrol division.
