Ang graduation day ang isa sa mga pinakaaabangang araw ng mga estudyante.
Bukod sa pagtatapos ng klase, pagdiriwang din ito sa pagkamit ng tagumpay sa pag-aaral.
Subalit hindi ganito ang naramdamdan ng isang estudyante sa China.
Imbes na saya ay galit ang binitbit sa pag-akyat niya sa entablado during graduation rites.
Nang makapanhik, isang malakas na suntok sa mukha ang isinalubong ng estudyante sa isa mga propesor.
Read: VIRAL (again!): Fast-food manager doused with soft drink
FURIOUS STUDENT ATTACKS PROFESSOR
Noong June 20, 2024, ginanap ang pagtatapos ng mahigit 10,000 mag-aaral mula sa Fudan University sa Zhengda Stadium, Shanghai, China.
Maayos ang naging takbo ng unang bahagi ng seremonya.
Ngunit, nang dumako sa degree conferment segment, isang estudyante ang di nakapagpigil na ilabas ang kanyang matagal na kinimkim na galit.
Sa isang video na kumalat sa social media, malinaw na nakuhanan ang insidente.
Makikitang nakahilera sa entablado ang mga propesor ng unibersidad suot ang kani-kanilang mga pulang toga.
Sa segment na ito, isa-isang haharap ang mga magsisipagtapos sa mga propesor upang ipalipat sa mga ito ang kanilang tassels.
Maayos na nakaakyat ang anim na naunang estudyante,
Ngunit ang pang-pito sa kanila, dali-daling sinuntok ang propesor na nasa harap niya.
Sa lakas ng kanyang suntok, natanggal ang cap at nabasag pa diumano ang salamin ng nasabing propesor.
Ikinagulat ng mga tao sa seremonya ang pangyayari.
Nagmadali namang bumaba ang estudyante sa stage na para bang walang nangyari.

Agad na dinala sa pagamutan ang sinapak na propesor na nagtamo ng minor injuries.
Sa ngayon, maayos na raw ang kanyang lagay.
Read: VIRAL: Poisonous cobra goes inside Thai’s boxer shorts
PROFESSOR MISTAKEN FOR SOMEONE ELSE
Hindi lamang ang pagkakapahiya ng propesor ang mapait niyang sinapit sa seremonyang ito.
Suspetsa kasi ng marami na ang dean talaga ang original target ng estudyante at napagkamalan lamang ang biktima.
Ayon sa ilang alumni, taga-Taiwan ang estudyante, at nagawa niyang manakit dahil sa labis na sama ng loob.
Sa report ng RTI Radio Taiwan International nitong June 21, 2024, binanggit na Hsia ang pangalan ng estudyante.
Nakasama raw ito sa shortlist para sa Peking Univeristy Health Schience Center master’s degree program noong Abril, pero hindi pinayagan dahil sinabi ng unibersidad na isinasailalim pa siya sa ideological and moral assessment.
Iniimbestigahan na ng Student Affairs Office at Law School staff ng unibersidad ang pangyayari.
Sa kasalukuyan ay wala pang inilalabas na pahayag ang estudyante.
Wala ring naibigay na detalye ang paaralan sa kung ano ang mga parusang posibleng kaharapin ng sangkot na estudyante.
Ngunit anu’t ano pa man, hangad ng nakararami na nawa ay mabigyan ng karampatang parusa ang sinumang dapat na managot.