PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Employee rants about lack of work-life balance in corporate job

Relate ka?
by KC Cordero
Published Jul 1, 2024
Photo of a stressed female corporate employee
Nag-viral ang tweet ng isang female corporate employee na nagsasabing sa modern corporate set-up ay walang work-life balance, at nauubos na rin sa trabaho ang dapat ay oras na niya para sa sarili at hobbies. (Photo: Freepik)

Halos lahat ng nagtatrabaho sa corporate set-up ay nakakaranas ng matinding pressure.

Parang never-ending ang mga deliverables at non-stop ang notifications mula sa mga bosses.

May mga pagkakataong kailangang ang trabaho ang prayoridad kaysa sa anupamang bagay.

Read: Guy working with his laptop inside cinema sparks online discussion about work-life balance

Photo of a stressed female corporate employee

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Ang pagtatrabaho sa ngayon ay halos wala nang pahinga dahil kailangang ma-meet ang targets at deadlines. Photo: Freepik

Read: Bride gets fired from job on her wedding day

CORPORATE WORK KINAKAIN ANG ORAS PARA SA SARILI

Isang corporate employee ang nagbahagi ng kanyang matapat na paglalarawan kung gaano kabigat ang pinapasan niyang responsibilidad sa kasalukuyang modern work culture.

Sa kanyang tweet noong June 26, 2024, ibinahagi ng X (formerly Twitter) user na si Ish na may username na @yourfavish na kinakain ng kanyang trabaho ang 12 oras ng kanyang buhay araw-araw.

Read: Man steals identity of co-worker for 35 years; co-worker suffers

Screenshot of Ish's tweet
Ang tweet ng X user sa kanyang hinaing sa kasalukuyang sitwasyon sa corporate world. Photo: Screenshot @yourfavish on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Former TV superstar goes viral for videos showing life as rider and construction worker

Dahil dito, pakiramdam niya ay wala na siyang natitirang pagmamahal sa kanyang sarili.

Pagkarating niya sa kanyang bahay ay wala na siyang nagagawa kundi ang matulog.

Sambit pa niya, “This is scary because it looks productive, but it's like being a dead puppet with no hobbies or self-love.”

Read: Lady outsmarts male scammer tricking her into believing her husband is gay

DAILY ROUTINE

Sa reply ni Ish sa isang comment ay idinetalye niya ang kanyang daily routine.

Gumigising umano siya ng alas sais ng umaga.

Pagkatapos niyang mag-ayos, kinakailangan na niyang umalis ng alas siyete y media para makarating siya sa kanilang opisina ng alas nuwebe y media.

Lumalabas naman siya sa opisina ng alas sais o kaya ay alas siyete ng gabi at nakauuwi ng bahay ng lampas alas nuwebe.

Kakain siya ng hapunan hanggang alas diyes ng gabi, at matutulog pagsapit ng alas onse dahil kailangan na naman niyang gumising nang maaga para sa panibagong araw ng trabaho.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Meet 19-year-old Livia Voigt, world’s youngest billionaire

NETIZENS REACT

Ang tweet ni Ish ay nakakuha na ng 317.2K views, 2,281 reposts, 309 quotes, 13.1K likes at 1,196 bookmarks.

Marami sa mga nagkomento ang naka-relate sa kanyang predikamento.

Ayon sa isang user, ang nararanasan ni Ish ay isang realidad—na kasalukuyan din nitong pinagdaraanan—ay isang weird na uri ng toxicity sa corporate world.

Dagdag pa nito, “Even the people who had hobbies slowly sip into the cycle of corporate and lose touch with everything they resonated with.”

Babala pa ng nagkomento, ang ganitong work environment ay "addictive.”

Read: Terminated employee exacts revenge; deletes company servers

Paliwanag naman ng isa, ito ang dahilan kaya ang pagiging financially independent ay hindi talaga tungkol sa pera.

Pagbibigay-diin nito, “It's about freedom—freedom of one's time.

“Achievement of financial independence through just a job is a bit of a difficult task.”

Nakikita naman ng isang nagkomento ang sarili niya kay Ish.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umuuwi rin umano ito na sobrang pagod na pagod at wala nang lakas para gawin ang hobbies.

“Self-care is just curling up in bed, at this point.”

Paglalarawan pa nito sa kasalukuyang sitwasyon sa trabaho, “Modern slavery.”

Read: Wife, who wants to prioritize career, finds second partner for husband

BE ALIVE, NOT JUST FUNCTIONAL

Dahil naman sa dami ng naging response sa kanyang tweet, sinabi ni Ish na nalulungkot siya dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang siya nagkaroon ng post na nakakuha ng mataas na engagement.

Paghingi niya ng dispensa, “I am sorry if you relate to this too. Things will be better, and we will find ourselves.”

Sinusugan naman ito ng isang nagkomento na nagsabing talagang ang corporate grind ay nakakawala ng sigla ng buhay.

Ang mga nasa corporate world umano ay kailangang humanap ng mga paraan para ma-reclaim ang oras at lakas na napupunta sa trabaho.

Paalala nito kay Ish, “You deserve to be alive, not just functional.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At may mga mas malala pang sitwasyon sa ibang panig ng mundo. Dito sa Pilipinas, tila norm ang pag-uwi nang pasado office hours.

May mga reklamo rin ang corporate employees sa China at sa Japan.

Read: Kandidatong lumahok na sa 238 official elections, hindi pa nanalo kahit minsan

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-viral ang tweet ng isang female corporate employee na nagsasabing sa modern corporate set-up ay walang work-life balance, at nauubos na rin sa trabaho ang dapat ay oras na niya para sa sarili at hobbies. (Photo: Freepik)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results