Umani ng atensiyon sa social media ang isang Thai student dahil hawig niya ang BLACKPINK member na si Lalisa “Lisa” Manobal.
Nasulat na sa ilang Asian news websites ang dalagita dahil sa pagiging look-alike ng miyembro ng tanyag na all-female Korean pop group.
Siya si Kuilthida, na may palayaw na Yeehwa, isang fried chicken vendor sa Samut Prakan sa Bangkok.

Si Yeehwa ay senior high school student sa Tahphanhin School sa Phichit province, na 330 kilometers ang layo sa siyudad ng Bangkok.
Nag-viral si Yeehwa nang i-post ang kanyang video sa TikTok, kung saan milyon na ang nakakapanood nito.
Kung pagbabasehan ang comments ng netizens, sang-ayon sila na kahawig ng dalagita si Lisa.
Read: Italy will pay you up to PHP1.8M to live in Tuscany

MORE INFO ABOUT BLACKPINK Lisa's look-alike
Sa tuwing school break, umuuwi si Yeehwa sa Samut Prakan at tinutulungan ang ina sa pagtitinda ng fried chicken sa palengke.
Sa interview ng isang Thai daily publication, sinabi ni Yeehwa na nahihiya siya sa atensiyong ibinibigay sa kanya, pero payag siyang pasukin ang entertainment industry kapag nabigyan ng pagkakataon.
Aktibo raw siya sa pagpa-participate sa mga school activities.
“I’m happy and excited to resemble an admired singer like Lisa,” aniya sa isang interview.
Sa mga nagbabalak naman na makita siya sa Samut Prakan market, sinabi ng kanyang ina na tapos na ang break ni Yeehwa kaya bumalik na ito sa school.
ABOUT THE OG LISA
Samantala, si Lisa, isa sa four members ng BLACKPINK na isang Korean pop group, ay isang half-Thai.
Ang kanyang ina ay Thai, habang ang kanyang stepdad ay Swiss.
Lumaki ang 27-year-old pop star sa Thailand.
Bata pa lamang ay nagkaroon na ng interes si Lisa sa pagpe-perform at naging suki ng mga sing-and-dance competitions.
