Hindi naging madali para sa breakout pop star na si Chappell Roan—na ang tunay na pangalan ay Kayleigh Rose Amstutz—ang daan tungo sa tagumpay.
Twenty-six years old na ngayon si Chappell.
Noong 17 years old siya, lumagda siya ng kontrata sa Atlantic Records matapos niyang sumikat sa YouTube.
Inilabas niya ang kanyang unang single noong 2017 na may pamagat na “School Nights.”
Hindi gaanong naging maganda ang pagtanggap ng listeners sa kanyang single.
Read: MMA fighter loses fight, also in love after GF rejects proposal

Read: Tree cut into half by angry neighbor now a tourist attraction
Pagsapit ng 2018, umalis na siya sa kanyang hometown sa Willard, Missouri at nanirahan sa Los Angeles.
Ini-release naman niya ang awiting “Pink Pony Club” noong April 2020.
Naging inspirasyon ni Chappell sa pagbuo ng kantang ito ang naging obserbasyon niya isang gabing napagawi siya sa isang gay club.
Naging popular ang kanta sa social media.
Kinilala ito ng USA Today bilang isa sa 10 best songs of 2020.
Pinarangalan naman ito ng entertainment news website na Vulture bilang 2012 Song of the Summer.
Gayunpaman, hindi mabenta ang kanta commercially kahit sikat sa social media.
Hindi rin nito na-hit ang target sales ng Atlantic Records.
Dahil doon, binitiwan na si Chappell ng naturang record company.
Read: Angry girlfriend runs over boyfriend carrying their baby
CHAPPEL ROAN TUMANGGAP NG ODD JOBS PARA MAY PAMBAYAD NG BILLS
Dahil natengga ang kanyang singing career, nagpasya si Chappell na magtrabaho muna bilang barista sa isang coffee shop.
Makalipas ang ilang buwan ng pagiging barista, tumanggap din siya ng part-time job.
Naging yaya, production assistant at crew sa donut shop si Chappell para may maipambayad sa kanyang bills.
Read: Employee rants about lack of work-life balance in corporate job
Patuloy naman ang kanyang pagiging active sa social media, at doon niya ibinubuhos ang kanyang hindi nawawalang passion sa music.
Unti-unti, dumami ang kanyang followers sa TikTok.
Pero ayon kay Chappell ay hindi maituturing na massive ang kanyang music sa naturang platform.
Aniya, “TikTok was just a way to display my personality and the inner workings, but I feel like it was hell most of the time trying to get it together as an independent artist and also having a part-time job.”
Read: Man wants wife to quit job; she demands half of his company
CHAPPELL'S BIG BREAK: FRONT ACT FOR OLIVIA RODRIGO
Mula sa pagiging struggling independent artist, natulungan si Chappell na muling makilala sa mainstream music scene ng kanyang dating producer sa Atlantic Records na si Dan Nigro.
Si Dan ay nagtatrabaho rin kay Olivia Rodrigo.
Sa pamamagitan ni Dan, naging opening act si Chappell sa Sour Tour ni Olivia noong 2022.
Lumagda rin siya ng kontrata sa Island Records noong isang taon.
Sa patuloy na pagsikat ni Olivia, nadadala rin nito ang pangalan ni Chappell.
Ngayong umpisa ng 2024 ay bahagi siya ng Guts World Tour ni Olivia kaya lalo siyang nakilala.
Noong April 2024 ay inilabas ang single ni Chappell na “Good Luck, Babe!”
Naging mabenta ito sa mga streaming platforms gaya ng Spotify at Billboard’s Top 100.
Read: Millionaire golfer burns own house after split with wife
CHAPPEL ROAN TRANSPARENT SA MGA FANS
Ang muling pagsigla ng singing career ni Chappell ay naghatid din sa kanya ng mga panibagong challenges.
Aminado siyang may mga pagkakataong nakakaramdam siya ng pagod.
Napakabilis aniya ng pagtaas ng kanyang career, at nahihirapan siyang makaagapay rito.
Sa isang pagtatanghal noong June sa Raleigh, North Carolina ay naging transparent siya sa mga manonood.
Ani Chappell, “I just want to be honest with the crowd: I just feel a little off today.”
Sa ngayon, apat ang kanyang single na nasa Billboard Hot 100.
Read: Negative social media comments—bakit wala lang yan sa akin

Read: Homeless Gen Z doesn’t pay rent for being hot and pretty
Sunud-sunod din ang kanyang appearances sa iba’t ibang TV shows.
Binubuo na rin niya ang kanyang bagong album.
Dahil sa bagong opportunity na dumating sa kanyang music career, para kay Chappell ay hindi siya nagkamali na magpahinga muna noon at naging barista at yaya pansamantala para hintayin ang tamang pagkakataon.
