Nagdahilan ang isang TikTok user na may username na @grachevaaleidya na mayroon siyang sakit kaya hindi ito makakapasok sa trabaho.
Ayon sa ulat ng news website na NDTV last July 6, 2024, twenty-three years old si Grace, pero hindi binanggit kung ano ang nature ng kanyang trabaho bilang freelancer sa Europe.
Ang totoo, nung araw na nagsakit-sakitan siya, gusto niya lang mamasyal at umuwi muna sa kanyang pamilya sa Bali, Indonesia.
Ang paalam ni Grace sa kanyang boss: may appointment siya sa doktor dahil masama ang kanyang pakiramdam.
Pinayagan naman siya ng boss.
Read: Employee rants about lack of work-life balance in corporate job
EMPLOYEE, BOSS NAGKASABAY SA EROPLANO
Sa video na ibinahagi ni @grachevaaleidya sa TikTok last June 26, makikita siyang nakaupo sa loob ng eroplano.
Bahagya siyang nakangiwi dahil aniya ay nagkaroon siya ng awkward moment ilang minuto pa lang ang nakalilipas.
Read: Man wants wife to quit job; she demands half of his company

Read: Millionaire golfer burns own house after split with wife
Ani @grachevaaleidya sa kanyang caption, “Me taking a sick day from work just to end up in the same airplane as my manager.”
Dagdag pa niya, “Long story short, I was waiting in the [airport] line and then I saw a familiar face coming to me which called my name.”
Ito pala ang kanyang boss—na nagkataon namang madalas ding bumiyahe papuntang Bali.
Sarkastikong tanong umano nito nang makalapit sa kanya, “Oh, so this is hospital?”
Read: Dead body floating in pond just a napping drunk man

Read: Couple uses dead fly to avoid paying bills in restaurants
Nag-share din si @grachevaaleidya ng screenshot ng larawan niya na kuha ng kanyang boss.
Kinunan pala nito ng litrato ang distansiya ng kanilang mga upuan sa eroplano, at ipinadala sa kanya.
Read: Fur mom had her sick dog euthanized; why is it alive?
BOSS HINDI NAGALIT SA EMPLOYEE
Sa kabila ng awkward situation, sinabi ni @grachevaaleidya na hindi nagalit sa kanya ang boss.
Pero hiyang-hiya siya dahil nabuking na nagsasakit-sakitan lang.
“I was so shocked, but we ended up laughing together.
“We ended up talking all the way to the airplane and while we were inside, he took that picture and sent it to me.”
Hindi na niya binanggit kung nabigyan ba siya ng memo dahil sa kanyang pagsisinungaling.
Read: Homeowner uses frying pan to foil burglary attempt
NETIZENS TAWANG-TAWA SA EMPLOYEE
Mula nang ibahagi ni @grachevaaleidya sa TikTok ang kanyang video, nakakuha na iyon ng 38K views.
Iba’t iba naman ang naging komento ng netizens tungkol sa naging sitwasyon niya.
Sambit ng isang netizen, tiyak na parang bata siyang mapapaiyak sa takot, at agad nang magsusumite ng letter of resignation.
Biro naman ng isa, dapat ay sinabi niya sa kanyang boss na sa Bali talaga ang appointment niya sa doktor.
Seryosong komento naman ng isa, kung siya si @grachevaaleidya, sa sobrang hiya ay hindi na niya itutuloy ang pagbiyahe.
Kung siya naman ang manager, ayon sa isang nagkomento, hindi siya magagalit kay @grachevaaleidya. Madalas din umano siyang magdahilan sa kanyang work na mayroon siyang sakit pag bigla niyang naiisipang mag-travel.
Read: Homeless Gen Z doesn’t pay rent for being hot and pretty
